Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Gabi ng Musika Ika-11 2015

(GMT+08:00) 2015-06-11 15:14:52       CRI

April 12, 2015 (Sunday)

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika atbp.

Quote for the day: "Good friends are hard to find-- and even harder to keep."-- Tim Lott

Kumusta sa lahat ng mga hao pengyou na sa Metro Manila, at ganundin sa lahat ng hao pengyou everywhere in the world na nakikinig sa aming podcast. Sana okay lang kayo riyan. Ano ba ang pinagkaabalahan ninyo nitong mga nagdaang araw? Pa-share naman. Gusto naming makarinig mula sa inyo. Okay lang ba?

Gusto ko uling batiin si Mila, Mila Guerrero ng Sta. Ana, Manila. Kumusta ka na diyan? Salamat sa clippings. Natanggap ko na last Friday. Super salamat talaga. Siyempre, mapapakinabangan ko lahat iyon.

Iyong mga kababayan na nagtatrabaho sa Yemen at Libya ayaw pa ring magsiuwi kahit delikado na ang situwasyon sa dalawang nabanggit na bansa. Ang katuwiran nila ay wala raw silang trabaho kung uuwi sila. Pero ang problema ay nagkakagulo ngayon sa bansa at kailangan muna nilang iligtas ang mga sarili nila. Puwede naman silang magbalik kapag nagbalik na sa normal ang kalagayan ng bansa. Ngayon, may pagkakataon pa para makauwi sila dahil puwede pa silang marating ng mga sasakyang panaklolo. Paano kung malala na ang situwasyon at gustuhin man silang tulungan ng Philippine Embassy ay wala na rin itong magagawa? Sana makapag-decide sila habang mayroon pang time at habang mayroon pang nag-aalok ng tulong.

Salamat kay Nina ng New Territories, Hong Kong. Siya ang nagpadala ng quotation para sa gabing ito.

Mamaya, ang Chinese recipe natin ay Beef Ribs with Black Beans. Walang kalasan, ha?

A WORLD WITHOUT LOVE
(PETER AND GORDON)

Iyan, narininig ninyo ang ating pambungad na bilang, "A World without Love," na inawit ng Peter and Gordon. Ang track na iyan ay lifted sa album na may katulad na pamagat.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika atbp. ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving, ever loving DJ.

Bigyang-daan natin ang ilang SMS...

Sabi ni Liam ng Kalayaan Avenue, Makati City: "Ayari sa Makati? Dalawa mayor pero walang vice-mayor. Sinong pipirma ng mga dokumentong dapat pirmahan ng vice-mayor? Lekat naman, oh."

Sabi naman ni Joseph ng Punta, Sta. Ana: "Expect the unexpected. Sa October na filing ng certificate of candidacy para doon sa gustong tumakbo sa 2016. Obserbahan ninyo kilos ng mga pulitiko."

Sabi naman ni Arnold ng Libertad, Pasay City: "Gumugulo na naman situwasyon sa Libya. Ano ba ang nangyayari sa mga tao roon? Mas mabuti pa ata lagay ng bansang iyon noong buhay pa si Muammar Gaddafi, eh."

Sabi naman ni Winston ng Sucat, Paranaque: "Parang mayruong nakatagung pwersa na nanu2lsol sa mga ma3yan ng mga bansa sa Middle East para manggulo at nang mapilitang bumaba kani-kanilang lider. Ang lakas ng luob q sa pagka2sunudsunod ng mga pangya2ri doon."

Sabi naman ni Ruth ng Machang Road, Tianjin, China: "Sana naman maging matalino na mga botanteng Pilipino. Huwag na sana silang padadala sa matatamis na salita ng mga pulitiko at maski sa pagiging popular nila."

Salamat sa inyong mga mensahe, at salamat din kina Poska ng poskadot610@hotmail.com; Elisa ng elisabornhauser@leunet.ch; at Manny ng manny_feria@yahoo.com.

PLEASE DON'T ASK ME
(JOHN FARNHAM)

Iyan naman ang "Please Don't Ask Me," na inawit ni John Farnham at hango sa album na pinamagatang "Uncovered."

Punta na tayo sa culinary portion ng ating programa. Ang Chinese recipe natin ngayong gabi ay Beef Ribs with Black Beans...

BEEF RIBS WITH BLACK BEANS

Mga Sangkap:

750 grams ng beef ribs
1 kutsara ng salted black beans
2 cloves ng bawang, tinadtad
2 kutsarita ng light soya sauce
1 kutsarita ng Chinese rice wine o dry sherry
1 kutsara ng mantika o cooking oil
1/2 kutsarita ng asukal

Paraan ng Pagluluto:

Hiwain ang ribs sa habang 5 centimeters at lapad na 2.5 centimeters. Kung ang gagamitin ay dried salted beans, ibabad muna sa tubig sa loob ng 5 minuto tapos pigain para matanggal iyong sobrang tubig. Kung ang gagamitin naman ay canned black beans, hugasan at patuluin. Ligisin ang black beans tapos samahan ng bawang bago buhusan ng soya sauce at wine.

Initin ang mantika sa kawali tapos iprito ang ribs hanggang magkulay brown. Idagdag ang lahat ng mga iba pang ingredients at ituloy ang pagpiprito sa loob pa ng 2-3 minuto. Dalasan din ang paghahalo habang ipiniprito.

Lagyan ng tubig na ang dami ay sapat lamang para lumubog lahat ng ribs. Takpan ang kawali at ilaga hanggang sa lumambot ang karne.

Kung mayroon kayong katanungan o suggestions, mag-email lamang sa ramones129@yahoo.com o mag-SMS sa 0947 287 1451. Magpapatuloy tayo...

ULAP AT BUWAN
(AI DAI)

Narinig ninyo ang Chinese song para sa episode sa gabing ito ng Gabi ng Musika, "Ulap at Buwan," na inawit ni Ai Dai at buhat sa album na may katulad na pamagat.

Nagpapasalamat iyong mga kababayan na nagtatrabaho sa isang contraction firm sa Saudi Arabia. Nagpunta sila ng Beijing para mag-tour at inirekomenda ko sa kanila iyong Beijing Big Bell Temple. Tuwang-tuwa sila doon sa mga kampana na may iba't ibang sizes-- mula sa super laki hanggang sa super liit. Ang mga kampana na iyon ay may libong taong kasaysayan at tumutunog lahat.

Balita ko papunta sila ngayon ng Xian para bisitahin iyong terra cotta warriors. Happy trip sa inyo.

Alam niyo iyang Big Bell Temple na iyan ay madalas kong bisitahin noong araw, noong doon pa ako nakatira sa Friendship Hotel. Walking distance lang kasi iyan mula doon sa tinitirahan ko, eh. Gustung gusto ko ang atmosphere diyan, very solemn.

Bigyang-daan natin ang quotation na padala ni Chona ng Daang-Hari, Las Pinas, Metro Manila. Hindi nakalagay dito kung kaninong pangungusap ito. Anyway, ito ay para sa mga lalaki:

"A real man never hurts a woman. Be very careful when you make a woman cry, because God counts her tears. The woman came out of a man's rib, not from his feet to be walked on, and not from his head to be superior, but from his side to be equal, under the arm to be protected and next to the heart to be loved."

Narinig ninyo iyan, boys? Thank you so much, Chona. God bless.

Oras na naman para magpaalam. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Sana lagi kayong malayo sa anumang gulo at sakit ng ulo at laging tatandaan na ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik. Zai Jian and God bless...

May Kinalamang Balita
gnm
v Gabi ng Musika Ika-10 2015 2015-06-04 16:30:04
v Gabi ng Musika Ika-9 2015 2015-05-28 16:34:49
v Gabi ng Musika Ika-8 2015 2015-05-28 15:36:16
v Gabi ng Musika Ika-7 2015 2015-05-21 17:22:46
v Gabi ng Musika Ika-6 2015 2015-05-14 16:19:52
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>