|
||||||||
|
||
MPST20140108MichelleTeopeShen.m4a
|
Ang pagtulong sa kapwa ang nagbibigay kabuluhan sa kanyang buhay dito sa Tsina.
Sa pamamagitan ng kanyang pagkakawanggawa, naipapakita nya ang magagandang katangian ng isang Pilipino.
Ang kasiyahan na mula sa ganitong uri ng gawain ay walang katumbas.
Ito ang mga pananaw ni Michelle Teope Shen.
Sya ay lisyensyadong Architect na nagtapos sa Amerika at isang butihing asawa at ina. Sa kasalukuyan si Michelle Teope-Shen ang Pangulo ng Filipino Community in Shanghai o FilComSha.
Ayon kay Gng. Shen bilang isang community leader naipagpapatuloy nya ang ganitong gawain dahil sa "passion."
Bukod sa kanyang aktibong papel sa FilComSha abala rin siya sa mga charity work para sa Beacon of Love, isang non-governmental organization na tumutulong sa mga batang Tsino na may congenital heart disease.
Alamin ang kanyang kwento sa Mga Pinoy sa Tsina.
Michelle Teope Shen, Pangulo ng Filipino Community Shanghai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |