Ayon sa nakakarami, ang high school life ang pinakamasaya sa buong panahon ng pag-aaral ng isang tao. Dito naganap ang maraming masasayang karanasang hindi malilimutan, kasama na siyempre ang mga karanasang may-kapilyuhan. Sa panahong ito rin mahuhubog ang ating pagkatao, kaya naman napakahalaga ng panahong ito sa bawat isa sa atin.
Pagdating sa kolehiyo, mararanasan naman ang kalayaan upang gawin ang mga dating bawal gawin noong high school, dahil sa kolehiyo papasok na tayo sa edad 18 - legal age.
Ihiniwalay ng isang high school ang canteen sa dalawang bahagi, isa para sa lalaki at isa pa para sa babae
Sa ating programa ngayong gabi, tungkol sa mga rules, partikular, mga kontrobersyal na school rules dito sa Tsina ang ating pag-uusapan. Samahan po natin sila Lakay Ramon at Yok sa "Pag-usapan Natin," sa kanilang pagtalakay ng mga kontrobersyal na "school rules" sa Tsina.