|
||||||||
|
||
MPST20140409DrMichealOng.m4a
|
Ang lisensyang nakuha ni Dr. Michael Ong para makapagriseta ng matapang na mga gamot sa Tsina
Sa episode ngayong gabi ng Mga Pinoy sa Tsina, kinapanayam ni Mac Ramon ang isa nanamang bagong bayani. Siya ay walang iba kundi si Dr. Michael Ong na 7 taon nang nanggagamot dito sa Tsina. Naka base sa Shanghai si Dr. Ong at nagtratrabaho sa Sun Tec Medical Center.
Sa loob ng pitong taon matagumpay na nakapanggamot sa Tsina si Dr. Michael Ong. Bilang dayuhang dalubhasa, marami ang kanyang bentahe kung ihahambing sa mga lokal na doctor. Pero marami rin syang kailangang gawin para maka-adjust sa ibang sistema ng panggagamot dito sa Tsina. Kabilang dito ang saklaw ng kanyang lisensya, paggamit ng TCM o Traditional Chinese Medicine at ang kaibhan nito sa mga gamot mula sa labas ng Tsina.
Pinulsuhan din ni Dr. Ong ang di umano'y balitang bribery ng mga higanteng pharmaceutical companies sa mga doctor. At syempre ang reaction nya sa mga nabalitang insidente ng pag atake sa mga doktor ng mga disgruntled o di-nasiyahang pasyente.
Pakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina ang mga pahayag ni Dr. Michael Ong hinggil sa maiinit na medical issues and concerns dito sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |