|
||||||||
|
||
MPST20140319DrMichaelOng.m4a
|
Si Dr. Michael Ong ay pitong taon nang nanggagamot sa Shanghai
Nitong Pebrero sa isang balita na lumabas sa Philippine Daily Inquirer, naglabas ng pahayag ang Philippine Medical Association (PMA) na nagsasabing batay sa mga datos ng taong 2014, malaki ang kakulangan ng Pilipinas ng mga doktor.
Babala ng PMA pagdating ng huling hati ng 2014, aabot ang kakulangan sa mga manggagamot sa 1 milyon kung ang populasyon ng bansa ay pumalo sa 100 milyon.
Ayon kay Leo Olarte, Pangulo ng PMA na batay sa kanilang pagtaya, dapat kada 100 tao ay may 1 doktor. At ang PMA sa kasalukuyan ay may 70,000 kasapi sa kasalukuyan.
Pinabulaanan ito ni Kalihim Enrique Ona ng Kagawaran ng Kalusugan. Ayon kay Sec. Ona walang "shortage" ng mga doktor sa bansa. Kundi may "maldistribution" kung saan mas maraming mga doktor sa malalaking lunsod kumpara sa kanayunan. Aniya ito ay dahil sa kawalan ng insentibo para sa doktor na nanggagamot sa mga probinsya.
Dagdag ni Ona, sapat ang suplay ng mga doktor mula sa 30 mga pamantasan na nakapagpapatapos ng 4,500 doktor taon taon. Mataas din ang bilang ng mga pumapasa sa board exam noong 2013 na umabot sa 74%.
Walang dapat ikatakot dahil hindi bilang ng mga doktor ang problema. Ayon sa Kalihim ng Kalusugan, ang problema ay ang laki ng diperensya sa sweldo ng mga doktor sa mga lunsod at mga lalawigan. Isa pang suliranin ay ang kawalan ng maayos na pasilidad at kagamitan sa mga health center at rural areas. Kaya ang problema ay kung paano mapapanatili ang mga doktor sa mga mahihirap na komunidad para doon magbigay ng kinakailangang serbisyo medikal.
Ang usaping ito ang pupulsuhan sa episode ngayong gabi ng Mga Pinoy sa Tsina, kasama si Dr. Michael Ong, Family Doctor sa Sun Tec Medical Center sa Shanghai, Tsina.
7 taon na sa Tsina si Doc Mike sa Shanghai. At ayon sa doktor minabuti niyang mangibang bansa para magkaroon ng magandang kinabukasan. Alamin kung paano niya nakuha ang trabaho sa Sun Tec Medical Center at kung ano ang mga kaibhan ng medical practice sa Pilipinas at sa Tsina sa panayam ni Machelle Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |