|
||||||||
|
||
MPST20140212Ricky.m4a
|
Dekada 90 siya dumating bilang bahagi ng isang Christian ministry na nagkakakwanggawasa Tsina. Ang buong buhay nya ay inalay na sa missionary work at sa gawaing ito lubos ang kanyang kasiyahan. Sya ay walang iba kundi ni Ricky Yambing, Pastor sa Beijing International Christian Fellowship at Filipino Congregation Leader ng BICF.
1980 nagsimula ang BICF sa 10 tao na nag attend ng unang Sunday Church meeting nito. Ngayong 2014, ang BICF ay may 19 na congregations sa 11 wika at may halos 5000 miyembro. Hangad ng BICF ang magbigay ng ligtas na lugar para mapalapit ang isang mananampalaya sa Panginoon at maging malapit din sa iba pang mga Kristyano dito sa Beijng.
Ang Great Commission Missionary Training ang mahalagang bahagi sa paghubog ng kanyang bokasyon bilang misyonero. Sa tulong ng training na ito ay nakilala nya ang kanyang kabiyak. At ito na rin ang naging simula para puspusan na ang kanyang pagpapalaganap ng Mabuting Salita.
Pangarap nya ang mag-lingkod sa pinaka-malaking bansa sa daigdig at nagkaroon sya ng pagkakataong maisakatuparan ito ng magbukas ang CBN China. Pagdating nya noong 1999 naging tulay ang kanilang humanitarian work para ibahagi ang aral ng Hesus.
Alamin ang mga memorable experiences ni Pastor Ricky Yambing habang ginagawa ang mga mission work sa Tsina. Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Gumamit ng web browser na may pinakabagong Flash Player at siguruhing pinapayagang tumakbo ang nasabing plug-in.
Si Pastor Ricky Yambing ng Filipino Congregation sa Beijing International Christian Fellowship
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |