|
||||||||
|
||
MPST20140226PEZA.m4a
|
Si Lilia de Lima, Director General ng Philippine Economic Zone Authority
Ipinatutupad sa kasalukuyan ang "going out" strategy ng Tsina. Ibig sabihin, dumarami nang dumarami ang mga kumpanyang Tsino na nagsisimula ng operasyon sa ibayong dagat. Nagbubukas ito ng napakalaking oportunidad para sa mga kapitbansa ng Tsina, kasama na rito ang Pilipinas.
Ang pagkakataong ito ay di pinalampas ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA). At kamakailan ay dumalaw si Director General Lilia de Lima ng PEZA para isagawa ang Philippine Investment Forum.
Ang investment porum ay magkasamang itinaguyod ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing at mga organong pangkalakalan at pamumuhunan ng Tsina.
Sa kanyang pambungad na salita sinabi ni Ambassador Erlinda Basilio na dapat isulong ng Pilipinas at Tsina ang kolaborasyon ng mga bahay-kalakal para makalikha ng masiglang ekonomiya sa rehiyon, kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at trabaho para sa kanila. Dagdag ng Embahador Pilipino na dapat samantalahin ng dalawang panig ang mga freetrade agreements sa pagitan ng dalawang bansa at ang magandang lagay ng GDP ng Pilipinas sa taong 2013 na nasa 7.2%, tumaas mula 6.2% noong 2012.
Hangad ng PEZA na humimok ng mga mamumuhunang Tsino na magbukas ng negosyo sa mga economic zones sa iba't ibang bahagi ng bansa. Dalawang porum ang ginanap sa Beijing. Ang una ay ginanap sa Pasuguan ng Pilipinas kasama ang mga opisyal ng East Asia Business Council – China kung saan dumalo ang kinatawan mula sa 40 pribado at pang-estadong kumpanya ng Tsina kabilang ang CosCo, isang malaking manning company sa bansa.
Ang ikalawang investment forum ay idinaos sa Kuntai Royal Hotel at ang partners sa event na ito ay ang China ASEAN Business Council at ang China International Water and Electric Corp. Dumalo dito ang 140 opisyal ng mga business councils at business associations ng Beijing, Shandong, Gansu, Fujian, Heilongjian at mga kinatawan ng mga sektor tulad ng industriya, paggawa, enerhiya, teknolohiya at marami pang iba.
Inilahad din ni Christine dela Cruz, Commercial Attache sa porum ang ilang bentahe ng Pilipinas bukod sa mataas na GDP. Kabilang dito ang mga pagtasa ng international financial institutions tulad ng Standard & Poor's, Moody's at Fitch.
Kung pamilihan ang pag-uusapan ibinida ng Commercial Attache na ang Pilipinas, kasunod ng Indonesia, ang ikalawang may pinakamaking populasyon sa ASEAN at may bilang na 100 milyon. Ayon kay dela Cruz, lakas din ng Pilipinas ang OFW remittance na pumalo sa $22B sa 2013.
Tampok sa MPST, ang mga investor friendly policies na ipinatutupad ng PEZA para mahikayat ang mas maraming mga mamumuhunan na pumasok sa Pilipinas. Pakinggan natin ang panayam kay DG Lilia de Lima ng PEZA.
Gumamit ng web browser na may pinakabagong Flash Player at siguruhing pinapayagang tumakbo ang nasabing plug-in.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |