|
||||||||
|
||
MPST20140416NCCA.m4a
|
Prof. Felipe de Leon Jr. Chairman ng National Commission for Culture and the Arts
Nitong ika 7 ng Abril, pormal na binuksan sa Beijing ang 2014 Taon ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at ASEAN.
Nilahukan ito ng mga mataas na opisyal mula sa mga ministri at ahensiyang kultural ng 10 bansang ASEAN.
Kinatawan ng Pilipinas si Prof. Felipe de Leon ng National Commission for Culture and the Arts. Bukod sa pagdalo sa Opening Ceremony, dumalaw din siya sa Chinese Museum of Women and Children at sa ASEAN China Center.
Ayon kay Prof. de Leon, sa pamamagitan ng naturang aktibidad higit pang mapapalakas ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng Tsina at mga mamamayan ng mga bansa sa Timogsilangang Asya. At lalo pang mapapalalim ang pakikipagkapwa ng dalawang panig. Dagdag niya na ang pagpapalitang kultural sa pagitan ng Tsina at ASEAN ay daan para makamit ang kapayapaan at pag-unlad.
Alamin ang iba pang mga pahayag ni Prof. Felipe de Leon Jr. Chairman ng National Commission for Culture and the Arts sa programang Mga Pinoy sa Tsina ni Mac Ramos.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |