|
||||||||
|
||
MPST20140423AmelitaAquino.m4a
|
Si Ma. Amelita C. Aquino, Consul General ng Pilipinas sa
Sina Mac at ConGen. Amy Aquino
2008 binuksan ang Philippine Consulate General sa Chongqing, Tsina. Ang lunsod na ito ay di gaanong sikat sa mga Pilipino kung ikukumpara sa Shanghai o Beijing. At noong panahong iyon, di pa aabot sa sampu ang mga bansang nagbubukas ng kunsulado sa Chongqing.
Pero sa loob ng humigit-kumulang 6 na taon, malaki ang natamong bunga ng konsulado para isulong ang pagpapataas ng antas ng kaalaman ng mga Tsino hinggil sa Pilipinas.
Dinalaw ng CRI Serbisyo Filipino ang Chongqing para kumustahin ang kalagayan ng mga Pilipinong nagtratrabaho sa lunsod na ito. At sa tulong ni Ma. Amelita C. Aquino, Consul General ng Pilipinas sa Chongqing, ipinakilala niya ang lugar at ang takbo ng ugnayan nito sa Pilipinas.
Malapit sa puso ni ConGen Aquino ang Chongqing dahil ito ang kauna-unahang posting na kanyang pinamunuan. Saklaw niya ang Yunan at Guizhou. Bagamat ilang daan laman ang bilang ng mga Pinoy sa bahaging ito ng Tsina, malapit at maganda ang ugnayan ng kunsalado sa mga OFWs.
Pakinggan ang panayam ni Mac Ramos kay ConGen Amelita C. Aquino sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Kung gamit ay desktop siguruhing ito'y may pinakabagong bersyon ng Flash player. Kung tablet at smartphone ang gamit, mapapakinggan ang programa sa pamamagitan ng Podcast ng Kape't Tsaa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |