|
||||||||
|
||
MPST20140903sanya.m4a
|
Vina Morales, Dulce, Sheryn Regis, Cueshe - ano ang pagkakapareho ng mga sikat na personalidad na ito? Lahat sila ay magaling kumanta at lahat sila tubong Cebu. Pagdating sa kantahan di talaga padadaig ang mga Cebuano. At maging sa Tsina, may mga Cebuano singers na nagtatrabaho sa isang malaking hotel sa island paradise ng Sanya.
Kinse anyos pa lang si Charity Amit at nasa 3rd year high school, kumakanta na siya sa mga kilalang hotel at resorts sa Cebu. Kasama niya ang kanyang amang si Ronillo Amit na isang professional harana singer.
Kung ang ibang banda sa stage pinapanood, ang mga grupong harana ay lumalapit sa bawat lamesa at doon kinakantahan ang mga customers. Kadalasan, gitara ang accompaniment ng mga singers. Ang istilong ito ang naging daan para makarating sa Tsina sina mag-amang Ronillo at Charity Amit. Una silang tumugtog sa Pullman Hotel at gaya ng inaasahan patok ang harana sa kanilang mga bisita. Pero sa kabilanito, di nagka-sundo at nagkahiwalay ang banda at natira ang mag-ama.
Ngayon bilang duet, kasalukuyan silang kumakanta sa Grand Soluxe Hotel.
Paano nagbago ang takbo ng kanilang buhay matapos maging OFW entertainers? Alamin natin sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina.
Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina punta na sa website na filipino.cri.cn. Mapapakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.
Mas mainam ani Ronillo Amit kung kapamilya ang katrabaho dahil madaling nagkakaintindihan at naiiwasan ang mga problemang sanhi para mawalan ng trabaho
Pagdating sa kantahan, buo ang loob ni Charity Amit dahil lumaki siya sa pamilya ng mga mang-aawit. Nagsimula siyang kumanta sa mga hotel at resort sa edad na 15
Sina Ronillo at Charity sa the Grand Soluxe Hotel, Sanya
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |