MPST20140910Bayron Shellafe at Dan Bayron
|
Sa isang bunk house sa Guangzhou unang nagkakilala sina Dan Bayron at Shellafe Aparece. Ang bunk house ay tinutuluyan ng mga singers na nakakontrata sa ahensiyang nagbu-book ng mga pwestong kanilang pagtatrabahuhan.
2005 nagkakilala. Nagkapalagayan ng loob. Naging magnobyo. 2008 nagkatuluyan. Ito ang kwento ng "Made in China" na love story nila Dan at Shellafe Bayron.
Alamin ang dynamics ng pagtatrabaho ng mag-asawang singers sa Sanya sa programang Mga Pinoy sa Tsina.