Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkakaibigan sa pagitan ng mga kabataang Tsino at Pilipino, isinulong sa pamamagitan ng Ping Pong

(GMT+08:00) 2015-07-23 17:41:15       CRI


Nitong Martes ika 21 ng Hulyo, dumalaw sa Beijing Capital University of Physical Education and Sports ang Philippine Youth Table Tennis Goodwill Delegation. Ang delegasyon ay binubuo ng mga manlalarong nagwagi sa ika 10 Uni-Orient Cup na kinabibilangan nina Adolfo Bazar Jr, Jerald Cristobal, Jethro Gapas, Soren Patrick Mendiola, Jann Mari Nayre, Sandro Paul Cortez, Danica Marielle Alburo, Ina Alleli Co, Ian Lariba, Jannah Maryam Romero, Joma Illas Sibal at Ma. Angelica Sanchez.

Ang ika 10 Uni-Orient Cup ay proyekto ni Stephen Techino, Pangulo ng Federation of Filipino Chinese Associations of the Philippines at isang table tennis enthusiast mula pagkabata.

Pinirmahan ang Letter of Intent nina Xu Liang Yan, Principal ng Competitive Sports School ng Capital University of Physical Education and Sports at Chen Huicheng, Pangulo ng Table Tennis Association for National Development of the Philippines o TATAND.

Ayon kay Techico ito ang simula ng bagong pagtutulungang di lamang magpapaunlad ng programang pampalakasan ng mga kabataan kundi magsususlong din ng pagkakaibigan at mabuting pakikipagkapwa sa pagitan ng mga Tsino at Filipino. Dagdag niya na nanalig siyang ito ay magiging daan para sa palitan ng kultura at ideya at magpapatibay sa ugnayan ng dalawang bansa.

Sa kanyang talumpati, sinabi naman ni Principal Xu Liangyan na ang mapagkaibigang pagpapalitan sa pagitan ng TATAND at kanyang eskwelahan ay pagkakataong magbahaginan ng kaalaman sa pagsasanay at tiyak na magpapalakas sa komunikasyon at mabuting damdamin sa pagitan ng mga manlalaro ng ping pong.

Sinusugan ito ni Charlie Lim at sinabing ang pagkakaroon ng pagkakataong sumailalam sa mas sulong na pagsasanay ay susi para sa tagumpay ng isang atleta.

Kasama rin delegasyon si Philippine Sports Commission Chairman Ricardo Garcia at hangad niyang maulit ang katulad na kooperasyon sa iba pang mga isports. Bagamat walang professional league ang table tennis ito'y lumalago at nawa't patuloy na suportahan ang ping pong at huwag bitiwan ang hangaring magkaroon ang bansa ng mga pandaigdig na kampeon balang araw.

Ayon naman kay Evangeline Ong, kinatawan ng pasuguan ng Pilipinas na ang aktibidad ay maaring tawaing ping pong diplomacy. Dagdag niya na ang mabuting ugnayan ng mga mamamayan ang pundasyon ng mainam na relasyon ng mga bansa.

Nagkaisa ang mga atletang Pinoy na magandang exposure ang dulot ng goodwill games sa ito sa Beijing. Ayon kay Ian Lariba, national player ng Pilipinas, nagpapasalamat siyang maging bahagi ng isang aktibidad na nagsusulong ng pagbuti ng relasyong Sino-Pilipino.

Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos sa mga miyembro ng delegasyong Pilipino sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

Si Charles Lim

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>