|
||||||||
|
||
MPST20150527PKU.mp4
|
mp3taposmpst.mp3
|
Labinwalong taong gulang at nasa unang taon ng kanilang pag-aaral ng Philippine Studies sa Peking University (PKU) sa Beijing, sila ay sina Yin Ziyou, Han Yiqing at Yin Qiushi. Hindi pa man matatas sa pagsasalita, ramdam naman ang kanilang kasabikan para mas maraming matutuhan hinggil sa Pilipinas at mga Pilipino.
Upang ibahagi ang papel na ginagampanan ng China Radio International (CRI) Serbisyo Filipino sa pagpapasulong ng ugnayang Sino-Pilipino, inilahad ni Jade Xian Direktor ng Serbisyo Filipino sa mga mag-aaral ng Philippine Studies ang kasaysayan, pag-unlad, mga programa at aktibidad ng himpilan ng radyo. Ang CRI Serbisyo Filipino ang nag-iisang dayuhang media na nagsasahimpapawid sa wikang Filipino.
Ayon kay Yin Ziyou, "Ang CRI ay mahalagang tool sa amin. Dapat naming maintindihan ang dalawang bansa (ang) Tsina at Pilipinas. At gusto kong alamin ang maraming impormasyon o pinakahuling balita sa pamamagitan ng CRI. I think we should get acquainted with CRI, I think that is what a student learning Tagalog should do."
Bukod sa pakikinig ng balita, sina Han Yiqing at Yin Qiushi ay nakikinig bago matulog sa podcast ng Kape't Tsaa. Hilig nila ang musika at pelikula. Ayon sa dalawa, karaniwan sa mga nag-aaral ng dayuhang wika ang problema sa pagsasalita at pakikinig, kaya malaking tulong ang mga programa sa podcast.
Kinasasabikan din ng tatlong bagets ang kanilang kalahating taong pag-aaral sa Ateneo de Manila pagdating ng kanilang ikatlong taon sa unibersidad. Pero sa ngayon, balak nina Yin Ziyou, Han Yiqing at Yin Qiushi na maging bahagi ng mga aktibidad na pangkultura at paramihin ang kaibigang Pinoy para matuto ng mga bagong salita na magpapayaman ng kanilang kaalaman sa wikang Filipino..
Pakinggan ang panayam sa kanila ni Mac Ramos sa espesyal na episode ng Mga Pinoy sa Tsina.
Si Mac Ramos kasama si Yin Ziyou na nagsabing nahihirapan siya sa Filipino grammar dahil talagang iba ito sa wikang Tsino.
Sina Yin Quishi (kaliwa) Han Yiqing (gitna) at Vera (kanan) sa loob ng studio ng CRI Filipino Service. Ang programang Kape't Tsaa ay pinakikinggan nina Yin Quishi at Han Yiqing at sa pamamagitan ng ibat ibang pokus ng mga editions nito nadaragdagan ang kanilang nalalaman hinggil sa cultural communication sa pagitan ng mga Tsino at Pilipino.
Sina Yin Qiushi (kaliwa), Han Yiqing, Yin Ziyou, at Mac Ramos (kanan)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |