|
||||||||
|
||
MPST20150121Celia.m4a
|
Mga problema sa labor union na nauwi sa pagsasara ng pinagtatrabahuang garments factory ang isa sa mga dahilan para mag-abroad si Celia Salcedo Dimatangal. Pero bago siya sumabak sa pagiging expat, kipkip niya ang karanasan mula sa 19 na mga kumpanya na sumasaklaw sa iba't ibang line o product groups. Naniniwala ang garments firm executive na mahalagang makaipon ng mga kaalaman dahil napakalawak ng industriyang ito at huwag pakukulong sa comfort zone. Aniya "Kung may best find it! Hangga't makukuha mo ang mas mataas na level kunin mo pero dapat mahalin mo ang trabaho mo."
Unang sabak niya sa ibang bansa ang pagpapatakbo ng mga factories sa Indonesia. Sampung taon din ang itinagal niya doon. Matapos magsara ang German-backed Training Center sa Aceh tumulak siya papuntang Beijing, Tsina.
Hindi naging maalwan ang takbo ng trabaho sa kumpanyang nilipatan ni Celia Salcedo Dimatangal at gaya ng dikta ng kanyang prinsipyo sa buhay patuloy niyang hinanap ang trabahong mas maganda, mas mataas at mas makapagbibigay ng mas mabuting ambag sa kanyang karera.
At ang paghahanap na ito ay nauwi sa pagiging Chief Representative sa Bestseller. Sa Tsina, ang mga brands sa ilalim ng Bestseller ay nangungunang mga clothing brands na kinabibilangan ng Vero Moda, Select, Jack and Jones atbp. Ito'y may 3,000 shops sa 38 bansa, at sa Tsina ito'y may 6,000 mga tindahan. Sa buong mundo 15,000 ang kabuuang bilang ng mga trabahador nito. Paliwanag ni Dimatangal, "Bestseller is the largest clothing brand in the world (if) you include China." Bilang Chief Representative, siya ang namamahala sa sourcing ng mga damit mula sa na ibinebenta sa mga tindahan nito. Sa kasalukyan, 8 taon na siya sa kumpanya at masaya niyang sinabing " Nahanap ko na ang best (company) sa Bestseller."
Ano ang mga sangkap ng kanyang tagumpay? Sagot ni Dimatangal ay drive at dapat ariin ang kumpanyang pinagtatrabahuan na parang inyo. At sa loob ng kanyang 29 na taong karera sa garments industry, ano ang pinakamahalagang bagay na natutunan niya? Tugon niya "Do things better today that yesterday."
Para mapakinggan ang buong panayam, Sa inyong desktop computer, hintaying bumukas ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina pakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape't Tsaa. Para makuha ang updates ng mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.
Bilang Chief Representative, si Celia Salcedo Dimatangal din ang nagiging kinatawan ng Bestseller sa mga charity work nito. Sa larawan makikita ang mga breathing equipment na ibinigay nila sa isang hospital sa Henan.
Si Celia Salcedo Dimatangal ang namamahala sa Bestseller sourcing, development at production ng 300 manufacturers ng garments at accessories mula sa Tsina.
Nagbukas nitong 2014 sa Pilipinas ang Vero Moda. Hangad ni Celia Salcedo Dimatangal na maging kasing sikat din ito gaya ng pagtanggap ng mga fashionista sa Tsina nitong higit isang dekadang singkad.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |