Necessity is the mother of all inventions. At gaya ng kawikaang ito, isang matinding pangangailangan din ang naging dahilan para likhain nina Carol Ong, Dr. Michael Ong at Dr. Jesusa Barcelona-Tan ang produktong Bebebalm.
Sakit ng sanggol na anak ang nagtulak kay Carol Ong at kanyang pamilya para humanap ng alternatibo sa steroids. Sa kanilang magkakatulong na pananaliksik ay nadiskubre nila ang isang pang-alo na mula sa natural na sankap. Naibsan ang kondisyon ng kanilang anak, At ayon sa mga feedback mula sa kaibigang gumamit ng Bebebalm, ito'y nakapagbibigay ginhawa din sa ilang mga problema sa balat na dulot ng matinding winter sa Shanghai. Epektibo din ito sa para sa diaper rash.
Ano ang naging dahilan para i-alok nina Carol at Michael Ong ang produkto sa publiko? At ano ang maipapayo nila sa mga nais ding magsimula ng online business sa Tsina? Alamin sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina.