|
||||||||
|
||
mp3mpst150901.mp3
|
Si Don Seno ay isang English Teacher sa New Oriental School sa Guangzhou lunsod sa lalawigan ng Guangdong. Sa kasalukuyan maraming mga Pilipino ang nagtatrabaho sa Tsina bilang mga guro ng wikang Ingles. Pero hindi madali ang makapasok sa mga eskwelahan dahil maraming mga pagsubok ang kailangan harapin.."
Nagtapos siya ng Computer Engineering pero ginamit niya ang karanasan sa pagtuturo ng mga call center agents sa Cebu. Mataas ang kumpyansa pagdating sa Guangzhou pero kinaharap naman niya ang balakid, ang kwalipikasyong "Native English Speaker." Sa dinami-dami ng kanyang inaplayang eskwelahan o learning center, naging dreaded question ang "Saang bansa ka galing?" Pero di nasiraan ng loob, nagpursige si Don at buong tapang na sinabi ang kanyang kabansaan. Aniya, "Kung wala sa lahi at pibag-demo ako, kuha ko na yan."
Siyam na taon ang makalipas, si Don Seno ay isa pa ring guro na mas maraming kaalaman hinggil sa kanyang napiling propesyon. Alamin natin kung ano pa ang ibang tips ni Don Seno para maging teacher sa Tsina sa panayam ni Mac Ramos ng programang Mga Pinoy sa Tsina kay Don Seno.
Si Don Seno
Si Don Seno at mga estudyente niya sa New Oriental School sa Guangzhou
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |