"At no time is the legendary Filipino hospitality more evident than during these fiestas." Ito ang pahayag ni Ambassador Erlinda F. Basilio sa kanyang panalubong na pananalita sa ASEAN Ladies Circle (ALC) Tea Gathering. Ngayong Oktubre nakatoka sa Pasuguan ng Pilipinas ang pagsasagawa ng aktibidad na nilahukan ng mga kababaihang diplomata o kawani mula sa sampung mga embassies ng Association of Southeast Asian Nations dito sa Beijing at ASEAN China Center.
Pinaghirapan ng mga staff ang presentation na may temang "Islands Fiesta" at ipinakita ang mga tagpo sa iba't ibang kilalang pestibal sa bansa. Ipinaliwanag sa dayuhang bisita kung ano ang Pahiyas festival at kung kailan at saan ito idinaraos.
May segment din tungkol sa Harana at inawit ng Stagelights ang Dahil Sa Yo. Ang banda ang isa sa pinakamatagal nang tumutugtog dito sa Beijing. Halos 15 taon na silang resident band ng Sheraton Greatwall, isang 5 star hotel. Sa kabila ng kanilang mahabang karanasan sa pag-awit, ayon sa band leader na si Ramon Almazan di niya maiwasang kabahan dahil ang audience ay mga diplomata. May sayawan portion din tampok ang piling Philippine Folk dance at sulyap sa prosisyon kapag Flores de Mayo. Nasaksihan ang naggagandahang mga embassy staff na nakasuot ng magarbong mga Filipiniana.
Mainit ang pagtanggap ng mga bisita ng ALC Tea Gathering sa sampol ng Maskara Festival. Napakamakulay ng pagtatanghal at nagpamalas sa all-out performance ng mga taga-Philippine Embassy.
Sa programang Mga Pinoy sa Tsina, alamin ang kwento sa likod ng konseptiong Islands Fiesta mula kay Ambassador Erlinda Basilio at ang mga reaksyon ng ilang mga women diplomats na dumalo sa masayang pagtitipon na nagtampok din ng mga putaheng Pinoy na karaniwang handa sa mga pista.
1 2