|
||||||||
|
||
Ika-117 Araw ng Kalayaan
|
Araw ng Kalayaan
|
Idanaos noong ika 9 ng Hunyo ang Resepsyon bilang pagdiriwang sa ika 117 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas. Sa gabing iyon din ipinagdiwang ang ika 40 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Pilipinas. Ang pagtitipon na ginanap sa Imperial Ballroom ng Four Seasons Hotel sa Beijing ay dinaluhan ng mga diplomata, opisyal Tsino, kinatawan ng akademiko at marami pang iba.
Ang programa ay kinabilangan ng mga talumpati mula kay Ambassador Erlinda F. Basilio at Lin Yi, Ikalawang Pangulo ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries. Nakasama nilang dalawa kasama sa toast at ceremonial cake cutting ceremony sina Bai Tian, Pangalawang Puno ng Kawanihan ng mga Suliraning Asyano ng Ministring Panlabas ng Tsina at si Major General Xiao Xiaoming, Director of Political Department, Air Force Command College.
Mula sa kaliwa: Major General Xiao Xiaoming (Air Force Command College, Ministry of Defense ng Tsina), Embahador Erlinda F. Basilio, Lin Yi (Vice President ng CPAFFC), at Bai Tian (Pangalawang Puno ng Kawanihan ng mga Suliraning Asyano ng Ministring Panlabas ng Tsina), habang hinahati ang friendship cake
Pakinggan ang pananaw ng ilan sa mga Tsino na dumalo at nakisaya sa Ika 117 Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan dito sa Beijing na kinabibilangan nina Bao Maohong, Director ng Center for Southeast Asia Studies ng Peking University, at mga kabataang Tsino na nag-aaral sa Peking University at Beijing Foreign Studies University.
Si Bao Maohong, Director ng Center for Southeast Asia Studies ng Peking University
Si Zheng Youyang o si Naomi, estudyante ng Peking University (PKU)
Si Fang Xinyi, estudyante ng PKU
Si Li Xingyi, estudyante ng Beijing Foreign Studies University
Si Wang Lianxiang, estudyante ng Beijing Foreign Studies University
Si Zhao Tianlin, estudyante ng Beijing Foreign Studies University
Si Lin Shihan, estudyante ng Beijing Foreign Studies University
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |