Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aaron Jed Rabena: Ibang Perspektibo sa International Relations

(GMT+08:00) 2015-09-22 16:37:20       CRI

Kanyang binitiwan ang planong maging abogado at piniling magpakadalubhasa sa larangan ng ugnayang panlabas. Taong 2010, nakuha ni Aaron Jed Rabena ang scholarship sa Shandong University sa lunsod ng Jinan, Tsina. Matagumpay niyang natapos ang kanyang Masters Degree. Sa kasalukuyan, isang taon pa ang bubunuin para makuha ang doctorate sa International Relations sa School of Political Science and Public Administration sa nasabing pamantasan.

Ani Jed Rabena "Maganda at napaka-makahulugan ang aking pag-aaral sa Tsina. Dito aking napagtanto na dapat pang mas makilala ang Tsina (na ngayon ay second largest economy na sa daigdig) nang sa gayon ay malaman natin kung papano pa siya mas mapakikisamahan ng maigi sa kasalukuyan at sa hinaharap. Marami nang mga Pilipino ang nakapag-aral sa Amerika, Europa, Australia, at iba pang mga kanluraning bansa, pero sa Tsina ay hindi pa gaano. Ito ay maganda para mayroon tayong balanse sa mga napupulot natin sa iba't ibang bansa o panig ng mundo."

Sa kanyang pag-aaral natatalakay ang Rise of China, isang bagay na maluwag na tinatanggap ng ilan pero ikinababahala rin naman ng ilan. Ayon kay Rabena, "Ang Rise of China o Pagbangon ng Tsina ay hindi dapat na makita lamang sa militar na aspeto o larangan, bagkus ay dapat na mas tignan kung papaano ang Pagbangon ng Tsina, ay positibong makapagdudulot ng maraming economic opportunities, lalo na sa mga less developing countries na gaya ng Pilipinas. Alinsunod nito, ang mainam na gawin ay sabayan ang Tsina sa kanyang pag-angat o pagbangon para parehas at sabay na matamasa ang co-prosperity. Sa ganitong paraan ay walang duda na makakamit din ng Pilipinas ang sariling nitong national economic interests. Tutal ang international relations ay hindi lang rin naman naka-angkla sa security issues o usaping pulitikal, kung hindi saklaw rin -- ng malaki -- ang economic, socio-cultural, at people-to-people (P2P) relations."

Alamin ang iba pang pananaw ng Pinoy iskolar na si Jed Rabena sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.

 Sina Aaron Jed Rabena at Mac Ramos sa Studio ng CRI

 

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>