Tampok sa Mga Pinoy sa Tsina ang panayam kay Angeline Reyes. 9 years nang nakabase sa Beijing at kasalukuyang nagtatrabaho sa International School of Beijing (ISB). Pinuntirya niya talaga ang makapasok sa ISB dahil ang eskwelahang ito ay establisado at may mataas na pagtingin sa mga Pilipino.
Di rin ninyo naitatanong na ang mga eskwelahan, lalo na ang mga international schools sa Beijing ay isa mga may pinakamagandang employment package para sa mga dayuhang manggagawa. Bukod sa mataas na sahod at mga benepisyo mahaba rin ang mga araw na laan para sa bakasyon.
And speaking of bakasyon, sa ISB nahikayat si Angel ng kanyang mga kasamahang maging byahera. Ang pagbyabyahe aniya ay tila isang kultura o tradisyon kapag bakasyon. At ang gawing ito ang siyang naghimok sa kanyang maging matapang na galugarin ang ibang bansa. At nagturo din sa kanyang maging matipid para makapag ipon at marating ang ibat ibang sulok ng daigdig. Pakinggan po natin ang kwento ni Angel Reyes isang Budget Byahera.