Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hazel Claire Tan: Buhay estudyante sa USTB

(GMT+08:00) 2016-05-26 18:11:31       CRI

 

Maraming dahilan kung bakit pinipili ng isang taong magpakadalubhasa. Sa kaso ni Hazel Claire Tan hilig niya talaga ang agham at nais pa niyang maunawaan ang siyentipikong paraan sa pangangasiwa ng kapaligiran. Dahil dito sinubukan niyang mag-apply para maging iskolar ng Commission of Higher Education (CHEd) at makapag-aral sa Tsina.

Pumasa at daliang lumipad si Hazel Tan patungong Beijing noong isang taon para simulan ang kurso sa Masters in Enviromental Science and Engineering sa University of Science and Technology Beijing.

Sa panayam ni Mac Ramos, ibinahagi ni Tan ang proseso ng aplikasyon. Ang Transcript of Records at Katibayan sa Pag-aaral ng Ingles ay ilan sa mga karaniwang kailangang isumite. Pero idiniin niya ang kahalagahan ng malinaw na paglalahad ng pakay ng pag-aaral at ang pagpapaliwanag sa paksang nais pagtuunan ng pananaliksik habang nasa Tsina. Ang mga ito aniya ay nagiging batayan para makapasa. Bukod sa panel interbyu ng CHEd, wala ng ibang pagsusulit o interbyu. Dumiretso na siya sa pamantasan.

Pero may isang mahalagang paalala ang De La Salle Chemical Engineering graduate, mas magandang dumiretso sa unibersidad at dito na mismo maghintay dahil mas malaki ang pagkakataong mapili. Sa CHEd kasi, ani Tan nakapila ang applikante depende sa bukas na slot ng pamantasan. Kung diretso kang mag-aaply mas malaki ang tsansa na makapasok rito.

Ikalawang dahilan ni Hazel ay upang mas makilala ang kultura ng kanyang lahing pinagmulan. Tsinoy si Hazel na tubong Cebu, at bagong salta sa Maynila nang mag-aral sa kolehiyo. Gusto rin sana niyang maging bihasa sa wikang Mandarin habang nag-aaral dito sa Beijing.

Pagkatapos makuha ang masters degree talagang balak na bumalik ni Hazel Claire Tan sa Pilipinas.

Alamin ang kanyang dahilan sa programang Mga Pinoy sa Tsina kasama si Mac Ramos.

Ang booth ng Pilipinas na itinayo ni Hazel Tan sa Cultural Festival ng University of Science and Technology Beijing

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>