|
||||||||
|
||
Itao Balay ni Juan
|
Itao Balay
|
Maraming mga OFWs ang nakikipagsapalaran sa Tsina. Pero sa Xiamen mayroong mga Pilipino ang naglakas-loob na magbukas ng kanilang negosyo. Doble and kayod dahil malaki ang responsibilidad. Bukod sa sariling kapakanan, iniisip rin nila ang kalagayan ng mga empleyadong Tsino. At gaya ng ibang negosyo, minsan di maiiwasang magkaroon ng problema.
Si Clifford Alba ay dumanas ng kabiguan sa kanyang unang sabak sa pagtatayo ng spa sa Xiamen. Makaraang sumikat ang spa na pinaghirapan niyang palaguin, bintawan siya ng business partner. Wala nagawa si Alba nang ibenta ng kanyang partner ang spa.
Si Clifford Alba
Ang kwentong ating hatid sa episode na ito ay kwento ng muling pagbangon at pagkakaroon ng pag-asa.
Ang Itao Balay ni Juan ang ikalawang subok ni Clifford Alba sa pagnenegosyo. Tampok pa rin nito ang kanyang ipinagmamalaking meditative dance na natutunan niya sa Tibet. At syempre ang kakayanang hilot-Pinoy na kanyang pinag-ibayo sa loob ng maraming taon.
Aniya di niya maiwan ang Xiamen dahil sa lugar na ito mas lumalim ang kaalaman niya sa panghihilot. Mula sinaunang panahon, ginagamit na ang hilot para lunasan ang mga karamdaman. At malaki ang ambag nito sa pagkabihasa niya sa panghihilot.
Si Clifford Alba, kasama si Mac Ramos
Sa kanyang pagpapatakbo ng sariling negosyo, baon niya ang mga leksyon mula sa pagkabigo. Aniya pinahahalagahan niya ang pagkakaibigan kaya wala siyang masamang tinapay sa dating kasosyo. Tinuturing din niyang pamilya ang kanyang mga staff sa spa. Sama-sama walang iwanan sa hirap at ginhawa. Kaya ang mga masahista sa dating pwesto ay kasama pa rin niya ngayon sa bagong bukas na spa.
Tinawag niyang Balay ni Juan dahil gustong niyang ang bawat taong pumapasok sa spa ay makararamdam ng tunay na pahinga at ginahawa. Ang spa ay "bahay" na pag-aari ng "pamilya" sa Xiamen ni Clifford Alba.
Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Clifford Alba sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |