The Nightingales: Nagtanghal sa 5th Nanyang Culture Festival
|
The Nightingales: Nagtanghal sa 5th Nanyang Culture Festival
|
Ang The Nightingales ay duo na binubuo nina Bianca Camille Lopez at Aizel Izza Livioco. Kapwa sila miyembro ng pamosong Philippine Madrigal Singers. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtanghal ang classically trained singers sa international stage sa panahon ng 5th Nanyang Culture Festival sa Xiamen, lalawigan Fujian ng Tsina. Kasamang nagtanghal ng duo ang violinist na si John Christopher Joya. Ang kanilang debut stage sa opening ceremony ng pestival ay kinabilangan ng piling mga folk songs ng Pilipinas. Ang mga kanta ay pinili para ipakita ang walong dyalekto ng bansa. Upang mas maging kaaya-aya ang mga folk songs ay may saliw na biyolin mula kay John Christopher Joya.
Pagtatanghal ng Nightingales sa Seremonya ng Pagbubukas ng Ika-3 Philippine Food Festival
Panayam ni Mac Ramos sa Nightingales at sa biyolinista na si John Christopher Joya
Alamin ang saloobin ng The Nightingales matapos mapili bilang tagapakilala ng kulturang Pinoy sa Xiamen sa panayam ni Mac Ramos para sa programang Mga Pinoy sa Tsina.