|
||||||||
|
||
BongAntivola.mp4
|
mp3taposmpst160615.mp3
|
si Bong Antivola
Sa kasalukuyan si Bong Antivola ay Foreign Investment Director of South China Market ng Yingke Vensco. Ang Yingke Vensco ay isang establisadong law firm sa Tsina na humahawak ng transaksyon para sa mga negosyo at pamumuhunan sa Tsina. Pero bago nakuha ang trabahong ito nagsimula si Bong Antivola sa pagiging isang Personal Alalay. Sa panayam kay Mac Ramos para sa programang Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi ni Bong Antivola ang naging takbo ng kanyang pamumuhay sa lunsod ng Xiamen sa loob ng halos 10 taon.
Sa isang salita inilalarawan niya ang Xiamen bilang paraiso. Sa paraisong ito unti-unting natupad ang marami niyang mga pangarap. Habang nasa Xiamen naibahagi rin niya ang kanyang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato. Ang Gulanyu ay isang sikat na lugar panturista sa Xiamen at sa islang ito kinunan ni Ginoong Antivola ang litratong nagdala sa kanya ng karangalang Excellence Award in Photography. Dahil naakit ng tuluyan sa kariktan ng Gulangyu, aktibo rin siyang nakikilahok sa kampanya para kilalanin ang Gulanyu bilang UNESCO World Heritage Site.
Naging bahagi rin si Bong Antivola sa We Love Xiamen in 100 Seconds Project. Bagamat hindi siya nanalo, nagbukas naman ito ang pagkakataon para sa paggawa ng maraming mga audio visual productions.
Nagbigay din siya ng ilang litrato para sa librong XiaWoMen – tampok ang ilang natatanging kababaihan sa Xiamen. At syempre hindi padadaig meron din men's edition ang libro na tinawag na XiaMen.
Alamin ang marami pang artistic endeavors ni Bong Antivola sa radio interview ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Ang audio plug-in po makikita sa itaas ng webpage na ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |