Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga munisipalidad ng Aurora tampok sa Cities of Charm ng 14th China ASEAN Exposition

(GMT+08:00) 2017-10-19 17:42:16       CRI

Ang Cities of Charm ay isang tampok o feature na inilunsand sa ikalawang China ASEAN Exposition. Ang CAEXPO ay ginaganap sa lunsod Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina at hangad ng mekanismo ng Cities of Charm na maitanghal ng mga bansang ASEAN ang oportunidad sa pag-unlad at pagpapalitan sa mga larangan ng kalakalan, pamumuhunan, agham at teknolohiya, cultura at turismo. Para sa ekspo ngayong taon, pinili ng Pilipinas na itanghal ang kariktan ng hindi lamang isang lunsod kundi lahat ng mga munisipalidad sa buong lalawigan ng Aurora.

Ang Aurora Province ang itinanghal sa Cities of Charm Pavilion ng Pilipinas sa 14th CAEXPO.

Si Mayor Millano Bihasa ng Munisipalidad ng Baler, kasama si Mac Ramos ng CRI Filipino Service.

Kinapanayam sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina si Mayor Millano Bihasa ng Munisipalidad ng Baler ay kanyang ibinahagi ang kanilang pag-asang makatindig sa sariling kakayahan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga kooperasyon sa infrastructure development at agricultural equipment. Itinampok din ng Baler ang mga produkto mula sa Sabutan na nagustuhan ng mga mamimiling Tsino.

Si Mayor Mariano Tangson ng Munisipalidad ng San Luis, kasama si Mac Ramos ng CRI Filipino Service.

Ang "Sabutan" ay katutubong halaman ng Aurora at mula dito nakakalikha ng maraming export quality na produkto.

Samantala, ibinahagi naman ni Mayor Mariano Tangson ng Munisipalidad ng San Luis na pambato ng kanilang lugar ang mga luntiang gubat, mga talon at ang mahabang baybayin na maaaring pasyalan ng mga Tsino. Sa panahon ng CAEXPO ay may ilang mga pag-uusap sila sa panig Tsino hinggil sa hydropower plant development at maging sa solar panel production.

Ang reception ng Philippine Pavilion kung saan nakakakuha ng samu't saring impormasyon hinggil sa Aurora Province.

Pakinggan ang buong panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina. Nais din namin ihingi ng paumanhin ang ingay habang isinasagawa ang panayam dahil ginawa ito sa gitna ng cultural presentation ng Pilipinas sa Cities of Charm Pavilion.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>