Ang usapang negosyo sa programang Mga Pinoy sa Tsina ay nagpapatuloy. Franchising naman ang pokus sa episode na ito. Mapapakinggan si Chris Lim, Director for ASEAN ng Philippine Franchise Association. Sa panayam ibinahagi niya kung paano tinutulungan ng PFA ang mga OFW para ihanda at bigyan ng tamang kaalaman hinggil sa pagnenegosyo. Pinulsuhan din ni Chris Lim ang magandang lagay ng ugnayang pangkalakalan at pang-ekonomiko ng Pilipinas at Tsina.
Si Chris Lim, Director for ASEAN ng Philippine Franchise Association