Panauhin sa episode na ito ng Mga Pinoy sa Tsina si Ms. Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina. Laman ng interview ni Mac Ramos ang mga good news hinggil sa pagluluwas o exports ng Pilipinas ng mga produktong agrikultural sa pamilihan ng Tsina. Sa kasalukuyan hawak ng saging mula sa Pilipinas ang higit kalahati o 54% ng market share. At patuloy ding tinatangkilik ng mga Tsino ang mga iba pang mga tropical fruits gaya ng pinya at mangga. Inalam din ni Mac Ramos ang update sa mga nilagdaang kasunduan ng Pilipinas at Tsina sa larangan ng agrikultura ang mga detalye sa one on one interview kay Agriculture Attache Ana Abejuela.
Si Ms. Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina