![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Kayo'y nasa China Radio International, programang Pop China na inihahatid sa inyo ng inyong happy DJ na si Sissi.
Patuloy ang talakayan tungkol sa matabang asawa sa aming message board.
May : taba ng puso dapat sukatin, hindi taba ng katawan. weighing scale is only for the market and not for the home.
James : kung ayaw nila sa matabang asawa malaya silang humanap ng iba. sino sila?
Sabi ni vic: bakit nga ba may tendency na tumaba ang babae pag nag-aasawa at lumaki naman ang tiyan ng lalaki na parang bundat?
Sabi pa ni happy: hindi, mas maganda, mahalin at gustuhin mo na lang ang sarili mo. wala kang talo.
Maraming maraming salamat sa pagkatig ninyo kay ate sissi at sa Pop China at regular na pipili ang Serbisyo Filipino ng Most Valueable Message Sender mula sa lahat ng kaibigang patuloy na nag-iiwan ng mensahe o nagteteks sa amin at padadalhan namin sila ng delicate souvenir items.
Babalik tayo sa music chart at iri-reveal (muna) natin ang tatlong pinkapopular na kanta sa mga nakaraang linggo.
Sa Ika-3, ang awiting "Ex-girlfriend" na ibinigay ni Huang Yali.
Sa ika-2, "Field", boses bumaba mula sa Himalayas na hatid ni Han hong.
Ang winner is, "Stick Cindy" ay kinatha ng super sweetheart na si Cindy Wong.
Ika-4 ng Hunyo. Sabado. Maaraw. Mahangin. Hindi ko alam kung ilang araw na ang nakalipas. Muling narinig ang bagong obra ni Micheal Wong. Nananatiling umalingawngaw ang tunog ng awiting "Promise" na ibinigay niya at halatang-halata ang kalungkutan sa mga mata niya sa MTV ng kantang "Fairy Tale". Kahapon, opisyal na ni Micheal ang album ng kanyang live concert kasama ng bagong kantang "Rainy Sunday at Taipei". Sunday, rainy, anong oras noon sa inyong lunsod? May pagkakataong muling sumama ba tayo?
Ano ang iniisip ninyo? Bakit hindi niyo sabihin sa akin? Kung mahihirati ka sa aking pagmamahal at hindi gugustuhing magpa-isa, hindi bale, hindi ako malungkot, kasi, ang tao na pinili mo ay ako. Ang bagong kantang "if you are just lonely" na kaloob ni Dicky Cheung, may kanipisan ang atmosphere at may kalaliman ang feeling na pino-project. Kung malaman ng isang tao na hindi niyo siya minamahal at magdugo ang kanyang puso pero patuloy pa ring sumasama sa inyo, ano ang dapat niyong gawin? Um…isang dilemma.
Si Luo Da you na tinaguriang Godfather ng Chinese Pop Music, noong katapusan ng 1980s hanggang 1990, siya ang pinakapopular na singer sa Taiwan, HongKong at mainland Tsina. Ang karamihan sa mga awiting kinanta at kinatha niya ay hinggil sa pagbabago ng lipunan, kalooban ng mga mamamayan at purong pagmamahalan. Lagi siyang nakasuot ng dark sunglasses, dark clothes, parang Bob Dylan, naging symbol ng defiance. Pero, para sa mga Chinese na isinilang pagkaraan ng 1970s, ang kanta ni Luo Dayou ang kumakatawan sa lahat ng kalungkutan at kasiyahan nila noong bata pa.
Ang naririnig ninyo ay isa sa kanilang pinakasikat na obra- "Love Song 1990". Ito ang tinatawag na pambansang kanta ng mga taga-HongKong. Nakakanta ito ng halos lahat ng tao noong panahong iyon.
Sa diwa ng pag-alaala at pag-asa nagtatapos ang ating programa ngayong gabi. Sa darating na Lunes ay Dragon Boat Festival. Happy Happy Festival at enjoy your zongzi.
I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-19 2011
Pop China ika-18 2011
Pop China Ika-17 2011
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |