|
||||||||
|
||
Kamakailan, pagkaraang isapubliko ang last episode ng Harry Potter at balitang merong nobyo at nobya sina Daniel Radcliffe at Emma Watson-- mga role-player nina Harry Potter at Hermione Granger-- biglang nakita nating sapul nang i-publisize ang unang pelikulang Harry Potter Series, sampung taong na ang nakaraaan, mga 20 taong gulang na ang pangunahing actor. At mula sa kaibig-ibig na bata, naging guwapo at magandang youngster. Off the stage, aktibo rin sila sa iba't ibang larangan. Si Daniel Radcliffe o Harry ay mahilig sa pelikula at indie rock roll band. Si Emma Watson o Hermione naman ay isang mahusay na athlete at debater. Si Rupert Grint o Ron Weasley ay isang golf lover. Kung titingnan natin sila, parang nakikita na rin natin an gating mga sarili. Mula sa magic childhood hanggang sa kasalukuyang realistic adult. Growing pains, o aging pains…
Kayo'y nasa China Radio International, progremang Pop China. Ito si Ernest, pitching in for Ate Sissi. Tingnan natin ang tatlong pinakapopular na kanta para sa nakaraang linggo.
Sa ika-3, "Pipit", isang kantang naglalarawan sa karanasan ng migrant workers na mula kay Wang Xv.
Sa ika-2, bagong obarang "Sakit" na inihahatid ng bagong henerasyon ng dance music band-the honor.
Ang winner ay "longing for", bagong kanta na ibinigay ng drama queen na si Ranie Yang.
Si Aska Yang ay tinaguriang king of the pop ng bagong henerasyon kasunod nina Jackie Zhang at Eason Chen. Noong taong 2007, sa pamamagitan ng paglahok sa singing contest na "Avenue Of Stars", naging popular si Yang sa mga music fans. Hindi pa man tapos ang singing contest, nakatanggap na siya ng offer mula sa isang music company. Habang hinihintay ng mga music fans ang kanyang bagong obra, meron balitang nagsasabing dahil naniwala si Aska sa isang wrong person, he was cheated at nakipaglagdaan sa kontrata sa isang underground organization. Kaya, nitong tatlong taong nakalipas, hindi na-publisize ang kanyang bagong album. Luckily, na-solve ang mga problema, at sa bandang huli at muling narinig natin ang kanyang malinis at passionate na boses. Ang bagong kantang "Iyong lalaki" ay theme song ng kasalukuyang pinakapopular na Korean drama series-"Secret Garden", Chinese edition at si Aska ang napili ng Korean superstar na siHyun Bin.
Si Hu Xia naman ay sumikat sa "Avenue of Stars"- pinakamalaking singing contest doon sa Taiwan. Isinilang at lumaki sa mainland ng Tsina, bago lumahok sa Avenue of Stars, si Hu Xia ay isang karaniwang college student na nag-aaral sa isang karaniwang kolehiyo. Ang hu ay family name ng kanyang tatay at ang xia ay family name ng kanyang nanay. Nagbiro minsan ang kanyang kapitbahay. Sabi, dahil masyadong maganda ang relasyon ng mga magulang ni Hu Xia, dapat niyang palitan ang kanyang pangalan ng Hu Aixia, na ang ibig sabihin, minamahal ni Mr Hu si Mrs Xia. Nakapagbigay ito ng inspirasyon kay Hu Xia kaya pinamagatan niy ang kanyang unang ablum ng "Minamahal ni Mr Hu si Mrs Xia". Cute na cute, di ba? Ang naririnig ninyo ay ang kanyang bagong kantang "Noong panahong iyon," na nagbabalik-tanaw sa good old school life.
Bago naging Pop singer, si Angus Tung ay isang good painter at nagtrabaho sa animation company. Not all that glitters is gold, but gold or not, it will glitter sooner or later. Bilang isa sa mga pinakapopular na Pop Singer noong 1980s, siya ay tinaguriang poet singer-- natural at sariwa ang kanyang boses, makulay ang music style at graceful ang lyrics at melody. Ang mga kanta niya ay hindi lamang nagtatampok sa affections, kundi sa philosophy, culture at society rin. Sa bahagi ng Gramaphone ngayong gabi, kasiyahan natin ang isa sa mga hottest hit ni Angus na pinamagtang "Sa Katotohanan, Hindi Mo Ako Nauunawaan". The lyrics itself can be a love letter para sa inyong loved one. Kasama ang ganitong resonant at romantic na boses, ang inyong gabi ay napakagandang gabi, di ba?
I-add ninyo ang aming Facebook account na "CRI Filipino Service"
Pop China ika-31 2011
Pop China Ika-30 2011
Pop China Ika-29 2011
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |