Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Una 2012

(GMT+08:00) 2012-01-09 18:21:02       CRI

Habang paulit-ulit na sinasabi ang mga pangyayaring naganap noong taong 2011 at habang patuloy na gumagawa ng konklusyon para sa 2011 at naririnig ang kantang ipinalabas noong taong iyon, biglang nakita ko na 2012 na pala. Natatandaan pa ba ninyo iyong episode na naisahimpapawid noong huling araw ng taong 2011? Hindi ba napakinggan natin ang New Year Wishes ng mga miyembro ng Serbisyo Filipino? Um…congratulations kay Sarah. Ang new year wish niya ay makakuha ng driver's license sa bagong taon at tuwang tuwang ipinatalastas niya sa amin kahapon na pagkaraan ng mahigit isang taong pag-aaral, nakapasa rin siya at nakakuha ng driver's license. Sa halip na matuwa, napabuntunghininga ang lahat. Mula sandaling ito, mababawasan ng isang harmful na babae at madadagdagan ng isang roadkiller..Ingat ang mga driver sa Beijing. Ang naririnig ninyo ay kantang "By Chance" o "You And I" ni JR Aquino. Sa bagong taon, you and I wish that all our wishes come true.

Malinaw na ang result ng Christmas and New Year activity ng Pop China--- "Sino ang hottest singer na Pinoy sa inyong puso", Congratulation kina Yeng Constantino at Christian Bautista at sa Parokya ni Edgar, at maraming maraming salamat po sa mga awards guest na sina David, Min at Baby ng Olongapo, Manila at Bicol. Kahapon, nakita namin ang litratong ipinadala ni Kuya Ramon. Nasa Philippines siya at obvious na tuwang-tuwa siya dahil kapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay sa lupang tinubuan sa kapaskuhan. Sana ma-enjoy niya ang kanyang bakasyon, makakain nang marami at tumaba nang kaunti. Alam niyo, tuwing umiihip ang malakas na hangin, nag-aalala kami na baka tangayin si Kuya at ilipad siya sa malayo. Ang naririnig ninyo ay ang kantang "hello, tomorrow" na kaloob pa rin ng best band sa Chinese mainland para sa taong 2011-- ang bandang "milk and tea".

Sabi ni carol diez : may you have a blessed year ahead of you. U R all so wonderful!

Sabi ni isaac: happy new year and mabuhay to all the nice guys of cri! i like your gimiks this year!

Sabi ng San Andres boys: MANIGONG BAGONG TAON SA CRI SERBISYO FILIPINO! keep up the good work. nasa likod niyo kami.

Sabi ni KC O. happy New Year! iwasang magkasakit! bawal magkasakit!

Maraming maraming salamat sa mga kaibigan ng Serbisyo Filipino. Hindi niyo kami nakakalimutan kahit sa panahon ng bakasyon at patuloy niyo kaming kinakatigan sa bagong taon. Narito ang kantang "You were There" ni Piolo Pascual. Patutugtugin ko bilang New Year's gift para sa inyong lahat. I was here, you were there, being together tuwing sabado ng gabi.

Pagkatapos ng Enero Uno, Araw ng Bagong Taon, sasalubungin naman ng mga mamamayang Tsino ang kanilang lunar calendar New Year o Spring festival. At ayon sa kanyang Proclamation No. 295 na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., idineklara kamakailan ni Pangulong Aquino ang Enero 23 bilang special non-working holiday upang bigyan ang mga Chinese-Filipino at mga Pilipino ng pagkakataong ipagdiwang ang mahalagang araw.

Ayon kay Pangulong Aquino, ang mga Tsino sa buong daigdig ay magdiriwang ng Spring Festival na kilala rin sa tawag na Chinese New Year na isa sa pinakamahalagang pagdiriwang hindi lamang sa Tsina kundi sa Pilipinas ng mga Chinese-Filipino at mga karaniwang Pilipino.

Good news, di ba? At least, isa pang araw ng bakasyon at isa pang excuse para magsalu-salo. Ang susunod na taon ay "Year of the Dragon," na sumasagisag sa prosperity, power at iba pa… Ang naririnig ninyo ay ang bagong kanta ni Faye Wang na pinamagtang "Wish". Ang wish ko, mabawasan ang kalamidad at kahirapan sa buong daigdig at madagdagan ang kasiyahan at maging mas malusog ang lahat ng kaibigan ng Serbisyo Filipino.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China ika-49 2011
Pop China Ika-48 2011
Pop China Ika-47 2011

                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>