|
||||||||
|
||
Sa kalye, maraming tao, maraming motor at maraming taong nagmamaneho ng sasakyan. Pero, sometimes, nararamdaman kong hindi dapat manehohin ng lalaki ang ganitong motor. Eh, ano ang dapat manehohin ng lalaki? Una, dapat manehohin ng lalaki ang truck. Kumpara sa mga ibang sasakyang de motor, mas maganda ang view at mas maganda ang performance at mas maraming naisasakay sa truck. Mas reliable at industrious din ito. Ika-2, dapat manehohin ng mga lalaki ang Sport Utility Vehicle o SUV. Ang ganitong uri ng sasakyan ay nakakaakyat ng bundok at maalwang nakakatakbo sa damuhan na tulad ng mga malaya at mailap na kabayo. Ika-3, dapat manehohin ng lalaki ang race car. Makipag-unahan sa oras at kasiyahan ang satisfaction na hatid ng hagunot at ingay ng hangin. "Califonia Dreaming" bagong commercial jingle ng bagong bago na ika-8 generation ng Malibu ng Chevrolet, isang kantang bagay na bagay habang nagda-drive.
Ika-4, dapat manehohin ng lalaki ang sasakyan na dark ang kulay. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kung nagmamaneho ang lalaki ng kotseng kulay pink, green, yellow o red, parang feminine siya. Ika-5, dapat manehohin ng lalaki ang train. Mula pa sa pagkabata, ipinalalagay ko nang napaka-masculine ng mga train driver—nakokontrol niya ang malalaking machine. Challenging, di ba? Ika-6, dapat manehohin ng lalaki ang fire truck. Hanggang sa kasalukuyan, wala pa akong nakikitang babaeng fire truck driver. Lalaki, dapat manehohin ang sasakyan para sa lalaki. Ano ang masasabi niyo rito sa mga palagay ko? Welcome na ibahagi ang inyong kuro-kuro na may kinalaman sa relasyon ng lalaki at motor kay ate sissi sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mesahe sa aming message board o pagteteks sa 09212572397. Noong 2005, sa brand advertising ng Volkswagen, naipakilala sa mga mamamayan ang bandang Hanson at kanilang classic hits "I Will Come to You." "When the night is dark and stormy, you won't have to reach out for me.I will come to you."
Ayon sa datos, bagama't ipinalalagay ng nakararaming tao na walang gift ang mga babae sa pagmamaneho at sila ay natural born road killer. lalo na ang mga bagong babaeng driver na tulad ni Sarah, ayon naman sa datos, ang deaths sa car accident na kinasasangkutan ng mga babaeng driver ay umaabot lamang sa 3.5%. Ibig sabihin, sa mahigit 90% ng ganitong mga kaso, lalaki ang murderer. Siyembre, kumpara sa mga lalaking driver, mahina ang mga babae pagdating sa mga biglaang pangyayari, at hindi matalino sa machinery at circuit, huwag nang banggitin ang kalkulasyon at pag-aatras ng sasakyan. Pero, dapat aminin na bihirang magmaneho nang mabilis ang babae at matatag ang kanilang performance kumpara sa mga lalaki. Ang naririnig niyo ay kantang "Auto bike" na hatid ni Vivian Hsu. Sa loob ng mahabang panahon, mas gusto ng mga babaeng umupo sa tabi ng driver kaysa siya mismo ang magmaneho ng kotse, di ba?
Sabi, ibinibigay daw ng mga lalaki ang kalahati ng kanilang mga puso sa babae at ang kalahati sa sasakyan. Tulad ng plot ng "The Bridges of Madison County", tuwing makikita ang National Geographic photographer na si Robert na nagmamaneho ng isang malaking truck, tumutugtog ng gitara, hindi kumakain ng karne at paborito ang Camel brand na sigarilyo, nasisira ang matahimik na pamumuhay ni Francesca. Sakay ng truck, magkasamang nagtatrabaho ang dalawa sa tulay ng Manchester. Kumukuha ng larawan. When night falls, sakay ng truck, bumabalik silang dalawa, kumain at nagsayaw sabay ng malamig na musika. Sa bandang huli, sakay ng truck na iyon, lumisan si Robert at nagpatuloy ang kani-kaniyang pamumuhay. Para sa mga lalaki, truck and only truck. Kumakatawan sa kanilang malaya at matapat na chacarter at palatandaan ng walang tigil na paglalakbay at pagtakbo para sa di-mawaring hinaharap. Ang kantang "Blossom Life" ay gusto kong patugtugin para sa lahat ng "on the road" na babae at lalaki. Sana makita nila ang anumang hinahanap nila.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-10 2012
Pop China ika-9 2012
Pop China Ika-8 2012
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |