Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-4 2012

(GMT+08:00) 2012-01-31 18:07:46       CRI

Kasunod ng ingay ng mga paputok at busina ng kotse, tulad ng dati, bilang isang tradisyon ng nakararaming mamamayang Tsino, sa pinal na araw ng year of the rabbit, nag-tipon-tipon ang buong pamilya at habang kumakain ng jiaozi, pinanood ang evening gala ng Spring Festival. At this year, medyo special, kasi, ito ang ika-30 anibersaryo ng pagsisimula ng evening gala ng Spring Festival na inihandog ng China Central Television. Bukod sa kaakit-akit na stage design na ginastusan ng mahigit 150 milyong yuan RMB, binalik-tanaw rin ang mga classic hits na naging popular sa stage na ito. Ngayong gabi, habang nagkukuwento ako ng mga tradisyonal na kaugaliang Tsino sa Spring festival, kasiyahan natin ang mga pinakahuling kantang narinigsa katatapos na evening gala. Una, bilang warm up, kasiyahan natin ang kantang "legend of dragon" na ibinigay nina Lee Hom at Li Yundi.

Ayon sa alamat, kahapon, o ika-5 na araw ng bagong taon, ay breaking day. Kung natatandaan pa ninyo, tulad ng isinalaysay ko minsan, ang unang ilang araw ng lunar New Year ay napaka-espesyal. Halimbawa, hindi dapat maligo, hugasan ang buhok, maglaba ng damit sa umaga, para hindi mawala ang yaman at kalusugan. Hindi dapat gisingin ang ibang tao sa umaga, kung gayun, he will be driven by others sa buong taon at etc, sa ika-5 araw, umabot na sa peak ang mga pagbabawal na ito, at tulad ng darkness before dawn, ito ang araw na mahigpit ang pagbabawal at ito rin ang araw ng pagbibigay-wakas sa lahat ng pagbabawal. Sa umaga, gumigising nang maaga ang mga tao, nililinis ang buong bahay, nagpapaputok ng rebentador para maitaboy ang masamang suwerte at bawal magsaing, lumabas, bumisita sa kaibigan o kamag-anakan at magsulsi. Pero, habang nagtatapos ang araw na ito, mawawala ang lahat ng pagbabawal, at bilang pagdiriwang sa pagaalis ng kabawalan, nagpapaputok pa uli ang mga mamamayang Tsino ng rebentador at kumakain ng jiaozi. Noong isang taon, dahil sa popularidad ng kantang "Because of Love," sa imbitasyon ng China Central Television, umakyat sa stage ng evening gala sina Eason Chan at Faye Wang at muling kinanta ang nasabing masarap-sa-tengang melody.

Ngayong araw ay ika-6 na araw ng bagong Year of the Dragon, at sa kaugaliang Tsino, ito ay araw rin ng pagpapanumbalik ng negosyo para sa mga negosyante at paghahatid sa papaalis na god of poverty. Nagpapaputok ng rebentador ang mga negosyante bago buksan ang kani-kanilang tindahan. Sabi nila, kung ano raw ang haba at lakas ng putok ng rebentador na pinaputok ng negosyante, siya ring laki at sagana ng negosyo niya sa bagong taon. Bukod dito, sa araw ito, tatanggp ng mainit na pagtanggap ang mga 12 year old na batang lalaki, kasi, ang 12 ay double 6 at ang bilang na 6 ay simbolo ng suwerte sa kaugaliang Tsino. Ang double 6 ay sumasagisag sa dobleng suwerte.. Ayon sa kaugalian, pormal na nagtatapos ang mga aktibidad ng pagdiriwang sa bagong taon sa ika-15 araw ng bagong taon, pero, pagkatapos ng ika-6 na araw, pansamantalang titigil ang aktibidad na pampestibal at magbabalik sa trabaho ang nakararaming mamamayang Tsino hanggang ika-15 araw, o latern festival, kung kelan muling sisigla ang mga salu-salo. Sumikat Si Kris Phillips at kanyang classic hits- sa evening gala noong taong 1987, mula noong panahong iyon, sa pagkakaroon ng elegant appearance at magnetic voice, siya ang naging Mr Right ng libu-libong babaeng Tsino noong 1990s. Sa sandali ng ika-30 anibersaryo ng Evening gala ng CCTV, bumalik siya at hindi nagbabago-- nananatiling elegant, guwapo at magnetic.

Bukas, o ika-7 ng araw ng bagong taon, ang creator sa alamat na Tsino na si Nvwa, took ten days sa paglikha ng daigdig ng mortals. Sa unang araw, lumikha siya ng manok, sa ika-2 araw, aso,sa ika-3 araw, baboy, sa ika-4 araw, tupa, sa ika-5, baka,sa ika-6, kabayo,sa ika-7, sangkatauhan, sa ika-8, halaman, sa ika-9, langit, sa ika-10, lupa. Kaya, ang ika-7 araw sa bagong taon ay itinuturing na kaarawan ng sangkatuhan. Sa araw na ito, hindi dapat parusahan ang kriminal at hindi dapat sermonan ang anak. Sa ilang probinsya ng Tsina, gumagawa ang mga babae ng accessories na hugis tao at ipinapalamuti ang mga ito sa buhok. Nagluluto rin sila ng zhou o porridge na may pitong kulay bilang paghahangad ng magandang kalusugan. Sa timog kanluaran ng Tsina, ang araw na ito ay araw ng mga kababaihan. Hindi kailangang magtrahaho at malayang makakapaglaro sa labas. Ito rin ay araw ng pakikipag-date sa kani-kanilang love. Sa inyong masayang sandali, dapat makinig sa isang masiglang kanta, isang folk song na may elementong electronic music-"Everthing Grows". Nakasuot ang performer nito na si Sa Dingding ng isang napakagandang costume sa evening gala-parang isang maliit na golden dragon at itinuturing na siyang pinakamagandang babaeng singer nang gabing iyon.

Bukas, sa timog kanluaran ng Tsina, malayang makakapaglaro ang mga babae, pero, sa Beijing, Shanghai, Guangzhou at iba pang malalaking lunsod, balik-trabaho ang lahat ng mga tao. How cruel reality is…

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China ika-3 2012
Pop China Ika-2 2012
Pop China Una 2012



                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>