|
||||||||
|
||
Noong ika-18 ng Marso, taong 1995, sinabi ni Michal Jordan na "I am back," at noong panahong iyon, hininto ang mga regular na programa ng lahat ng mga TV at radio sa Estados Unidos para lamang isahimpapawid ang balita ng pagbabalik niya sa NBA. Walang duda, kumpara kay MJ, "God of the basketball," ako ay isang ordinaryong tao, kaya ang pinakamalaking hangarin ko ay makapagdulot ng magagandang programa sa inyo.
Ok, ang unang awitin ngayong gabi ay ang Good Luck, mula kay Kenji Wu, kilalang mang-aawit na galing sa Taiwan. Para sa ating forthcoming nanay na si Ate Sissi, at mga takapakinig sa buong mundo.
Sabi ni mulong: welcome to the club, ka ernest...sama kami jan! Salamat po. Sa totoo lang, nag-pitch in na ako minsan para kay Ate Sissi noong 2011. Pero nararamdam ko pa rin ang malaking presyur, kasi ang programang Pop China ay tumatanggap ng malaking pagkatig at pag-ibig ng mga tagapakinig sa buong mundo, at si Ate Sissi ay ang ating kilalang Happy DJ, kaya dapat akong magsikap nang husto para makapagkaloob sa inyo ng magagandang programa. Wish me good luck!
Nitong nagdaang ilang linggo, tinalakay natin sa programang ito ang hinggil sa relasyon ng mga babae at lalaki. Sabi ni Shaneil: wala bang pagbabago ng format? kasi iba ang taste ng lalaki sa babae, eh. Kaya ang susunod na awitin ay hinggil sa katangian ng mga babae na gusto raw ng mga lalak. Ok, ang kantang "Her Eyelashes," mula kay Jay Chou.
Kaugnay ng di-umano'y 6 na katangian ng mga babae na gusto ng mga kalalakihan, na gaya ng masaya at exciting na kasama, marunong magluto, supportive at laging nandiyan sa tabi, marunong magdala ng damit, marunong makinig at marunong rumespeto sa mga gusto ng lalaki-- at ang medyo kontrobersiyal, mahusay sa love-making, bilang isang lalaki (datapuwa't walang nobya), ang sagot ko ay tama iyan, pero, hindi lahat. Pinahahalagahan din naman ng mga lalaki ang kalooban ng mga babae. Pareho ito sa mga babae. Pero ang pagkakaiba ay ipinapauna ng mga lalaki ang kalooban ng mga babae, kung gusto nilang mag-asawa.
Ang ating happy DJ na si Ate Sissi ay pansamantalang naka-maternity leave at siya ay talagang babalik sa programang Pop China, di ba? Kaugnay ng kuwento hinggil sa "Back", may isa pang popular na pangungusap na "I Will Be Back!" sa pelikulang The Terminator noong 1984. Ang nasabing pangungusap at ang cool, macho, at guwapo na hitsura ni Arnold Schwarzenegger ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa mga manonood sa buong mundo. Kaya Si Ate Sissi will be back, pagkatapos ng kalahating taong bakasyon, walang duda, kasama ang isang maganda at malusog na sanggol. Best wishes sa iyo, Ate Sissi. Ok, narito ang isang awiting may pamagat na "I will be back" mula sa Loud Speaker, isang hardcore band mula sa Shanghai.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.
Good night~
Pop China ika-13 2012
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |