Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-13 2012

(GMT+08:00) 2012-03-31 16:58:39       CRI

Noong isang linggo, pinag-usapan natin ang similarity ng babae at sasakyan, at tuwang tuwa akong malaman na natanggap ng topic na ito ang malawak na sympatiya mula sa mga listener lalong lalo na, sa mga sisters. Sabi ni

Baby jane: sana alagaan naman nila ang asawa nila na tulad ng pag-aalaga nila sa sasakyan nila.

Cynthia: iyong mga lalaki na lokong-loko sa kanilang sasakyan dapat doon magpakasal sa sasakyan nila.

Arlene: lesson sa mga lalaki: huwag bibili ng kotse na mas maganda pa sa inyong asawa. malaking iskandalo.

Vic: magandang cover-up iyan para sa mga playboy. maari nilang sabihing "marami akong kotse."

Um, medyo iba ang palagay ni Jocelyn, sabi niyang: ang babae ay babae at ang sasakyan ay sasakyan. huwag ikumpara. OK, alam ko, being a man is not easy, katuwaan lamang, huwag sobrang seryoso ha.

Kasiyahan natin ang isang masarap pakinggang kantan ni KC Concepcion na pinamagtang "Naantig ako sayo", dahil sayo, sumasaya ang mga araw ko.

Pagkaraang talakayin ang relasyon ng sasakyan at lalaki, sasakyan at babae, pag-usapan naman natin ang relasyon ng babae at lalaki. Kamakailan, may isang survey na lumabas na nagpapakita ng katangian ng mga babae, na di-umano ay gusto ng mga kalalakihan, hindi lang sa Tsina, kundi, sa buong daigdig. Una, gusto raw ng mga lalaki ang mga babaeng masaya at exciting na kasama. Panglawa, gusto raw ng mga lalaki iyong mga babaeng marunong magluto. Pangatlo, gusto ng mga lalaki ang mga babaeng supportive at laging nandiyan sa tabi nila. Pang-apat, gusto raw ng mga lalaki iyong mga babaing marunong mag-ayos at marunong magdala ng pananamit. Panlima, gusto raw ng mga lalaki ang mga babaing marunong makinig at marunong rumespeto sa mga gusto nila. Pang-anim, at ito ang medyo kontrobersiyal, gusto raw ng mga lalaki ang mga babaing marunong sa love-making. Sang-ayon ba kayo dito mga ka-tropa? Kantang "loneliness and you" na ibinigay ni James Hsiao,

Para sa mga babae, mahalaga ang first impression at ang mga katangian ng isang lalaki, na gaya ng matangkad, guwapo, macho, humorous. Pero, hindi ito ang lahat ng mga katangian ng tipong lalaki. Lubos kasing pinahahalagahan ng mga babae ang kalooban ng lalaki na gaya ng pagiging mabait, maginoo, magalang sa mga magulang, mahusay sa pag-aasikaso, at iba pa. Ito kasi ang mahalagang pundasyon para sa matagal at matatag na pag-iibigan. Siyempre, dapat maging funny ang mga lalaki at marunong na marunong mag-express ng nararamdaman sa harap ng mga babae.mahalaga rin ang paraan at pagsisikap para ipakita ang nararamdaman ng isang lalaki at saka mahalga din ang mga bulaklak, regalo, papuri, at iba pang mga bagay na nagpapakita ng pagsinta..

Susunod, gusto kong ibahagi ang isang situwasyong nasaksihan ko kamakailan, na may kinalaman sa relasyon ng babae at lalaki. Isang madaling araw, sumakay ako ng taksi. Pagpasok ko sa loob, nagulat ako dahil may pasahero sa harap, isang middle-aged na babae. Sa paliwanag ng drayber, iyong babaeng nakaupo sa tabi niya ay misis niya at ito ay may sakit na kanser at maikli na lang ang panahong ilalagi dito sa mundo. Para hind na aniya madagdagan ang utang ng pamilya, nagdesisyon silang ilabas na lang ng ospital ang asawa at sa bahay na lang manatili. Pero, sa nalalabing araw ng kanyang buhay, gusto ng asawa niya na magkatabi silang lagi hangga't maaari at siya naman ay lagi ring nag-aalala sa kanyang asawang may sakit habang siya ay nagmamaneho ng taksi, kaya ipinasiya niyang isama na lang ito sa kanyang pagmamaneho sa maghapon. Tapos tinanong ako ng drayber kung okey lang sa akin. Sabi niya, kung okey, puwede niya akong ihatid nang walang bayad. Siyempre, okey lang sa akin. Ang totoo, gusto kong ipagdasal ang babae para magkaroon ng milagro at gumaling siya sa kanyang sakit. Dahil sa love, naging mabilang kami at dahil sa love, naging bukas-palad kami. Because of love na inihahatid nina Eason Chan at Faye Wang. Please don't blame me for playing this song so many many times. I really love it.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-12 2012
Pop China Ika-11 2012
Pop China Ika-10 2012




                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>