|
||||||||
|
||
Noong isang linggo, pinag-usapan natin ang "kakaibang trabaho". Naglakbay tayo sa apat na sulok ng daigdig at nakilala ang halitosis-tester, fish counter, propesyonal na seductive woman at iba pang may strange at eccentric na trabaho diyan lang sa palipaligid natin. Sabi ni
Rudolph: japanese dati girlfriend ko. nagkalayo lang kami for personal reasons. okay naman siya. wala akong masabi.
Butch:masarap daw mapangasawa mga haponesa. malalambing daw.
Lucas: alam ba ninyo iyong nagpapakagat sa ahas para malaman kung gaano ka-effective ang anti-venom?
Howard B.: isama na natin jan yung nagbibilang ng bituin. malalaman kung gaano katindi pollution sa hangin.
Rolly:isama na ninyo diyan iyong mga nagbibilang ng daliri at naghihimas ng manok at naghihingutuhan...
Sol: ang alam ko lang, ay iyong tagatikim ng alak at taga-amoy ng pabango.
Salamat sa pakikibahagi ninyong lahat. Sharing makes the happy one doubly happy, while music naman, make the unhappiness evaporate. Kantang "Limutin Na Lang -Christian Bautista
Actually, noong ika-10 ng Abril, ay ika-3 kaarawan ng Pop China. Unang una, Happy Third Birth Anniversary To Pop China! Sabi, may pakpak daw ang panahon. Parang kahapon lang, nagsimulang ma-air ang Pop China at maging isang green born DJ si Sissi. Natatandaan ko pa, noong unang episode, iyong 10 minuto na programa, inirekord ko nang mahigit one hour. Hindi ko rin makakalimutan, para sumulat ng skrip at gumawa ng isang espesyal na programa, nagtatrabaho ako hanggang alas-3 ng umaga. Ngayon, sa ika-3 anibersaryo ng pagsilang ng Pop China, taos-pusong ipinapaabot ni Sissi, ang inyong happiest DJ, ang lubos at malugod na pasasalamat sa inyong lahat, mahal naming mga kaibigan at tagasubaybay. Hindi niyo ako nakakalimutan kahit sa panahon ng tagumpay at pagkabigo, kasiyahan at kalungkutan at patuloy niyo akong kinakatigan mula sa tag-sibol hanggang tag-lamig. Kantang "drips" na ibinigay ni Kan Kan, gusto kong samantalahin ito, salamat sa lahat ng tulong at pagkatig na ibinigay ng kasamahan ko, ni kuya ramon at mga music fans.
Ito ang petsa ng ika-3 anibersaryo ng pagsilang ng Pop China, ito rin ang petsang kailangan kong magsabi ng "bye bye for now." Hindi ko alam kung alam ninyo na ang inyong happiest DJ Sissi ay kagampan. Yes, kabuwanan ngayon ni Sissi, kaya tuwing Sabado ng gabi, hindi lang ninyo alam, sumasayaw ang kanyang baby habang nakaupo siya sa harap ng mikropono para sa Pop China. At ngayon ang panahon para katagpuin ng kanyang baby ang kanyang tatay at nanay at mga bagay na makikita niya for the first time sa daigdig. At para salubungin ang pagsilang niya, sori, kailangang luminsan ako for sometime. Hanggang sa kasalukuyan, hindi ko ma-imagine ang mga sabado na walang Pop China, walang mga message reading at walang music playing, ang boring ng pamumuhay, OK, I admit, medyo workaholic ako. Narito ang isang awitin na parang nagpapahayag ng pag-asang magiging masaya ang mga araw habang wala ako. We Are Young na inihahatid nina Fun. & Janelle Monae.
Sa panahong ako ay naka-maternity leave, gusto kong i-strongly recommend si Ernest, isang 28 taong-gulang, macho, mabait, matalino at most important, single na lalaki para siyang mag-pitch in sa akin. Bilang pansamantalang kahalili, alam ba ninyo na nitong dalawang linggong nakaraan, gusto na niya akong halinhan at gumawa ng mga programa? OK, bagama't medyo matigas ang ulo, old-fashioned, walang sense of humor at walang taste sa music, OK naman siya. I mean, Ok ang kanyang passion at puso sa pagharap sa hamon. By the way, I'll tell u a secret. Noong Biyernes, ay 28th birthday ni Ernest at ang birthday wish niya ay makakita ng girlfriend. Ito rin ang 2012 New Year wish niya at 27th birthday wish niya at 2011 New Year wish niya. Talagang excited na excited na siyang magkaroon ng girlfriend. Iyan din ang dasal ko para sa kanya—makakita ng girlfriend. Welcome din kayong magpakilala ng isang ideal girl sa kanya. Kantang "Set Fire To The Rain -Adele, good luck at go go go, Ernest~
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"
Pop China Ika-14 2012
Pop China Ika-13 2012
Pop China Ika-12 2012
More
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |