Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-14 2012

(GMT+08:00) 2012-04-07 17:08:32       CRI

Ang tema ng kasalukuyang gabi ay "kakaibang trabaho". Bukod sa public servant, doctor, chef at iba pang karaniwang trabaho, alam ba ninyo na diyan lang sa palipaligid natin ay may ilang strange at eccentric na trabaho?

Ang unang istasyon, airport. Dito, makikita natin ang mga bird controller. May ganitong occupantion sa lahat ng mga paliparan upang maiwasan ang banggaan ng ibon at eroplano. Dahil napakalaki ng relative velocity, kung babangga ang ibon sa eroplano, kahit isang maliliit na ibon lamang, baka masira ang windscreen ng eroplano o huminto ang makina nito. Kaya, importanteng importante ang trabaho ng mga bird controller. Iyong kaklase ko noon sa college ay gustong maging piloto, pero, sa banding huli, siya ay naging bird controller. Ang isa pang kakaibang trabaho ay dog food taster. Baka gusto ninyong malaman kung ano ang lasa ng dog food at baka gusto ninyong tikman ito. Dahil nga hindi nakakapagsalita ang mga aso at hindi nila masasabi kung ano ang gusto at ayaw nilang pagkain, kailangang tikman ng tao mismo ang kanilang pagkain. I just want to know, masarap ba iyon? "Di Ka Mawawala Sa Puso" na kaloob nina Sarah Geronimo & Jericho Rosales, I love being a DJ, nagpapatugtog ng masasarap pakinggang kanta. Ano ang trabaho ninyo?

Sabi nila, know your enemy" before going into battle. Para masugpo ang malaria na dulot ng kagat ng mga lamok, kailangan daw na half-naked ang mga mosquito keeper at nakatayo nang walang-galaw, at habang kinakagat siya ng mga lamok, huhulihin naman ng mga siyentista ang mga lamok para gamitin sa pananaliksik. May alam pa akong medyo romantic pero boring na trabaho. Taun-taon, mula Abril hanggang Oktubre, sa baybaying-dagat ng northwest Amarica, may makikita kang ilang matatandang may hawak ng counting machine. Habang nakamasid sa tubig, walang tigil namang dinidiinan nila ang buton ng machine. Wala silang senile dementia. Iyon ang kanilang trabaho, magbilang ng isda. Ang datos na ipinagkakaloob nila ang ginagamit na basehan ng mga may kinalamang departamento para matiyak kung gaano kalaki ang fishing volume. Salamat sa kanila, napanumbalik ang bilang ng mga endangered fish. Ok, kasabay ng kantang "passing by" na ibinigay nina Chen Chusheng at He Jie, take a rest muna.  

Kumpara sa nasabing trabahong pananatili sa baybaying-dagat para magbilang ng isda at kumita ng marami, napakahirap ng susunod na trabaho-- halitosis tester. Ang nasabing espesyal na trabaho ay sumilang sa manufacturing industry ng mouth wash. Para masubok kung gaano ka-effective ang isang uri ng mouth wash, aamuyin ng mga tester ang hininga ng mga taong katatapos lang kumain ng garlic o lumagok ng alcohol o tumikim ng iba pang may matatapang na amoy na pagkain. Ini- evaluate ang digri ng bad smell mula 1 hanggang 9, at pagkatapos, aamuying muli ang kanilang hininga pagkaraang gumamit ng mouth wash. Iwanan natin ang halitosis-tester at bisitahin naman natin si Little Harry, 12-taong-gulang na middle school student. Siya ang pinakabatang chief candy taster ng Swizzells Matlow- pinakamatandang candy company ng Britanya. Sa pamamagitan ng simpleng pag-amoy at pagdila, masasabi ni Harry ang lasa at sangkap ng isang uri ng kendi-- bagay na commercial secret sa karaniwan. Ang kaniyang extraordinary taste makes him the owner of the sweetest occupation. Candy tree na ibinigay ni Icy Cao. Twist, lick and dunk! Gusto kong maging candy taster din~

Sa impression natin, napaka-tender at obedient ng mga Haponesa, pero, kasunod ng kaunlarang panlipunan, mas maraming Haponesa ang hindi makatiis sa bad temper o affairs ng kanilang mga asawa at mas pinipili pang wakasan ang kanilang pagsasama. Pero, kung mahirap ang proseso ng diborsiyo, kakasunduin nila ang iang propesyonal na seductive woman. Masyadong devoted ang mga seductive woman at magsisikap sila hangga't makakaya para maisagawa ang kanilang tungkulin. Ang ganitong uri ng mga babae ay nagtatrabaho para paghiwalayin ang mag-asawa. Ang susunod naman dito ay iyong ang trabaho ay pagkasunduin ang mag-asawa. Sa kasalukuyan, may ilang naglilitawang propesyonal na marriage counselor na nagtuturo sa mga lalaki o babae kung papaanong i-handle ang love problem. Sa madaling sabi mula sa fundamental na fall into talk hanggang sa kung papaanong ibayo pang mapapaliit ang agwat ng mga puso. Sila ay parang relation doctor. Itinuturo nila kung paanong magwawagi sa pag-ibig. Bebot na ibinigay ng black eyed peas. Singer, isang magandang trabaho rin, di pa, big fame at high income.

Anong kakaibang trabaho ang alam o na-experience ninyo? Welcome na ibahagi ang inyong kuwento at kuro-kuro kay ate sissi sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mesahe sa aming message board o pagteteks sa 09212572397.

I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"

Pop China Ika-13 2012
Pop China Ika-12 2012
Pop China Ika-11 2012




                           More


Back to Top                                                                                   Pasok sa Mtime

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>