|
||||||||
|
||
Bago ang lahat, narito ang dalawang mensahe para kay Ate Sissi, ang ating happy DJ. Sabi ni Mulong: "sama kami diyan. sana makapanganak nang walang gaanong hirap si ate sissi. our very best. Sabi naman ni rolly: "best wishes din sa aming happiest DJ. God bless, ate sissi"
Ok, narito ang isang napakahalagang balita para sa ating mga takapakinig sa buong mundo: Noong umaga ng ika-24 ng Abril, nagsilang si Ate Sissi ng isang maganda at malusog na sanggol na babae. Congratulations, Ate Sissi! Kaya ang ating Happy DJ na si Ate Sissi ay tatawagin nang Nanay Sissi, ibig-sabihin, ako naman ay magiging vice happy DJ na si tiyo Ernest. Sana pagkaraan ng mahigit 20 taon, ang anak na babae ni Ate Sissi ay maging ating Happy DJ din!
Ang ating unang awitin ngayong gabi ay ang "Ren Ren Ai" o "Gusto ng lahat", kay Eason Chan. Siguradong ang cute at magandang anak ni Ate Sissi ay mamahalin ng lahat ng tao, di ba?
Sa Tsina, mayroong ganitong uri ng industriya kung saan ang staff ay nag-aalaga sa mga bagong silang na sanggol, partikular sa kanilang unang buwan. Ang naturang mga staff ay tinatawag na Yue Sao sa Tsina. Ang halos lahat ng mga Yue Sao ay mga babae at mas matanda, mas popular. Bihirang-bihira ang lalaking Yue Sao. Ang kanilang Gawain ay kinabibilangan ng pagpapalit ng lampin ng mga sanggol, paglilinis ng umbilical cord, at pagtsetsek sa kalusugan ng sanggol. Bukod dito, naghahanda rin sila ng nutritious diet para sa mga kapapanganak na nanay, lalo't ang mga ito ay nagpapasuso ng kanilang beybi. Kaya, sa katotohanan, mataas ang suweldo nila. Ayon sa isang imbestigasyon sa halos 100 Yue Sao sa Beijing, 80% sa kanila ay kumikita ng 5000 hanggang 8000 Yuan RMB bawat buwan. 10% sa kanila ay kumikita ng lampas sa 8000 Yuan. Kaya, dapat maghanda na si Ate Sissi ng sapat na pera. Good luck!
Kaugnay ng dahilan ng pagiging popular ng Yue Sao sa Tsina, sa totoo lang, tinalakay ang mga ito ng mahuhusay at magagandang host namin na sina Ate Mac at Andrea sa aming programang Diretsahan ngayong linggo. Walang duda, ang pag-aalaga sa mga bagong silang na sanggol ay hindi madaling tungkulin. Pero, hindi naman dapat umasa lamang sa Yue Sao o mga magulang. Ang asawa ni Ate Sissi ay dapat ding magsabalikat ng tungkulin at ipauna ang ating Ate Sissi at beybi nito. Ang susunod na awit ay ang "Lao Po Zui Da" o "Wife Is the Most Important," mulay kay Cui Zige ng mainland ng Tsina.
Bukas, ika-29 ng Abril, hanggang unang araw ng Mayo ay pista opisyal dito sa Tsina, bilang pagdiriwang sa International Labor Day. Walang pasok ang lahat ng mga manggagawa sa Tsina. Kahit hindi ito pestibal na may kinalaman sa pagmamahal, ito ay magandang pagkakataon para sa mga lalaki na ipakita ang kanilang pagmamahal, pag-aasikaso at mga magagandang kalooban sa kanilang asawa, nobya (ngeee) o nobyo. Ano ang plano mo? Sa atin-atin lang: para sa mga lalaki, dapat ninyong tandaan na ang inyong asawa ang pinakamahalaga sa lahat at dapat mahalin nang walang hanggan.
Mas marami akong sinabi hinggil kay Ate Sissi kaysa kanyang asawa at beybi, pero, sa tingin ko, ang pag-aasawa at pag-aalaga sa anak ay napakahalaga sa buhay. Pakinggan natin ang isang awitin na may kinalaman dito. Ito ay ang "Love is all around" ni Andy Lau.
Si Andy Lau ay paborito kong mang-aawit. Kahit may mga lumalabas na kritisismo dahil sa hindi niya pagsasapubliko ng kanyang pag-aasawa, naniniwala ako na ito ay fair lamang para sa kanyang asawa dahil datapuwat siya ay isang superstar, ang kanyang asawa ay hindi kabilang sa sirkulo ng entertainment. Sa tingin ko, mabuti na rin ito para maiwasan ang panggagambala ng media sa private life ng kanyang asawa. Sa totoo lang, ang pagmamahal nina Andy Lau at kanyang asawa ay nananatili nang mahigit 20 taon at mukhang mananatili nang walang hanggan. Best wishes nga pala sa kanila. Nagdadalantao raw ang asawa ni Andy.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.
Good night~
Pop China ika-14
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |