|
||||||||
|
||
Ano ang pinakamagandang panahon sa buong buhay ng isang tao? Siguro walang isang sagot na masasang-ayunan ng buong sangkatauhan. Pero sa tingin ko, ang pinaka-nakakaakit na panahon ay ang panahon ng pagkabata. Kasi ang mga katangian ng panahong-pagkabata ay masigla, optimistiko, at puno ng pag-asa, di ba? Kaya sana walang-hanggang manatiling masaya at malusog ang mga kabataang Tsino at Pilipino!
Kahapon, ika-4 ng Mayo ay Pambansang Pestibal para sa mga Kabataang Tsino. Ito ay nagmula sa makasaysayang demontrasyon ng mga kabataang Tsino noong 1919 bilang protesta sa pagkilala ng pamahalaan noong panahong iyon sa mga kasunduang mag-aalis sa soberanya at magbibigay ng kahihiyan sa bansa. Ang demonstrasyong ito ay unang idinaos sa Beijing; at, makaraan, kumalat ito sa buong bansa at nakahikayat ng mga mamamayan mula sa iba't ibang sektor na gaya ng mga manggagawa, negosyante, dalubhasa at iba pa.
Noong ika-4 ng Mayo, taong 1919, nagprotesta ang mga estudyanteng Tsino sa pagkilala ng pamahalaan noong panahong iyon sa mga kasunduang mag-aalis sa soberanya at magbibigay ng kahihiyan sa bansa
Ang nabanggit na insidente ay kauna-unahang kilusang demokratiko sa buong Tsina sapul nang maging semi-kolonyal ang bansa noong katapusan ng ika-19 dekada. At pagkaraan ng insidenteng ito, ang ideyang patriotic, progressive, democratic, at scientific ay hindi lamang tinanggap ng mga kabataang Tsino, kundi itinanim din sa puso ng mga mamamayang Tsino. Sa tingin ko, ang katuturan ng insidenteng ito para sa Tsina ay parang impluwensya ng EDSA sa Pilipinas.
Tunghayan muna natin ang mensahe mula sa takapakinig. Sabi ni cindy: "congratulations kay ate sissi sa pagsilang ng kanyang baby girl." Sabi naman ni mato "congratulations kay ate sissi. congratulations din kay kuya ernest. mabuhay ang pop china."
By2 Girls
Para sa mga magulang, ang anak ay parang pinakamahalagang hiyas, at ang pagibig sa pagitan ng mga magulang at anak ay pinakamagandang bagay sa buong daigdig, di ba? Kaya ang unang awitin ngayong gabi ay ang chu dong xin, chu dong ai, o touch heart, touch love, mula kay By2 Girls, Chinese Singaporean na kambal na mang-aawit.
Ang By2 Girls ay maganda, masigla at sweet. Pareho naman ang kanilang pag-awit, di ba? Walang duda, ang anak na babae ni Ate Sissi ngayon ay kasinghalaga ng kanyang puso, gadundin kahalaga ang mga anak para sa kanilang mga magulang. Kaya sana maging maganda at masaya ang anak na babae ni Ate Sissi-- at lahat ng mga anak ng mga magulang.
Sabi naman ni buddy boy: "kmzta ka jan, pareng ernest? ok ba dj-ing mo? pagbutihin mo, pre. back up ka namin todits." Sabi naman ni shaneil:" come hell or high water, pop china tayo! regards kay ate sissi at kuya ernest"
Salamat po. Patuloy po akong magsisikap para mapaganda ang programang Pop China. Sana manatili po kayong nakatutok dito. Ang susunod na awitin ay ang Shou Yong o yakapin, mula kay Shin, isang kilalang mang-aawit mula sa Taiwan.
Kung nakakaranas ka ng mga kahirapan, sino ang agarang dumadalo sa iyo? Bukod sa iyong mga magulang at kamag-anak, naroon din para tumulong sa iyo ang iyong mga kaibigan. Kaya ang pagkakaibigan ay napakahalaga rin para sa isang tao, di ba? Sana mayakap mo ang iyong kaibigan habang pinakikinggan mo ang awiting ito.
Kung single ka at ang yayakapin mo ay iyong kaibigang hindi katulad ng sa iyo ang kasarian, ito ay isang magandang pagkakataon para mapalalim ang pagkakaibigan ninyo—at siguro para maging magkasintahan. Kung ang kaibigan mo naman ay kapareho mo ng kasarian at maganda o macho-guwapito, congratulations! May isa pa kayong pagpili para sa nobya o nobyo. Hehehe, biro lang.
Ang huling awitin ngayong gabi ay ang wei ai gan dong o because of love, mula kay Li Yuchun, isang kilalang mang-aawit mula sa mainland ng Tsina, siya ang isang napakagandang babae na popular sa mga babaeng Tsino, hehe. Pero talagang mahusay siyang kumanta at sana magustuhan ninyo ang kanyang awitin.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.
Good night~
Pop China Ika-15
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |