|
||||||||
|
||
Tag-init na sa Beijing ngayon. Luntiang luntian na ang ang mga dahon, Maninipis at din na doble-doble ang suot ng mga tao kaya lantad na ang kanilang kakisigan at kagandahan. Pero, dahil nga mainit ang panahon, kulang ako ng sigla sa trabaho. Parang gusto ko pang tumigil na lang sa bahay na may aircon, uminom ng cola o San Miguel beer, at manood ng pelikula, o pumunta sa magandang beach para ma-enjoy ang sariwang hangin at magandang sunshine na wala sa mga malalaking lunsod. Alam ko na mayroong maraming magagandang beach at isla sa Pilipinas. Langit ang mga ito para sa mga turista.
Sa totoo lang, nanghihinayang ako kasi maiksi ang tag-sibol sa Beijing. Dahil kung tag-sibol sa Beijing, katamtaman lang ang temperatura, walang malaks na hangin, yellow-green ang mga dahon, at ang pinakanakakaakit na bagay ay nagbabago ang mga tanawin sa bawat araw, na gaya ng mga bulaklak, damo, at dahon. Habang nakikita mo ang mga ito, siguradong mararamdam mo rin ang mga kasiglahan ng paglaki at ng pagkakaroon ng lubos na pag-asa.
Tunghayan muna natin ang mensahe mula sa takapakinig. Sabi ni cindy: kaya dapat lagi tayong bata para lagi rin tayong masaya, hehehe. Sabi naman ni Lindsay: keep on smiling and you will never grow old. Sabi naman ni Rodel: maganda paksa na iyan, ka ernest. sama ako ng sampu riya. ala namang masama kung magpabata, ey...
Maraming salamat po. Sa tingin ko, ang panahong-pagkabata ay parang pagsisimula ng biyahe sa buong buhay ng isang tao, maganda, masaya at puno ng pag-asa. Kaya ang unag awiting ngayong gabi ay ang All for Joy, mula kay David Zee Tao.
Siguro nararanasan din ninyo iyong feeling na habang bata pa kayo, gusto ninyong lumaki kaagad, at dahil maraming takdang-aralin, dapat sundin ang utos ng guro at magulang. Pero, nang malaki na kayo at nagsimula nang magtrabaho, parang gusto naman ninyong bumalik sa pagkabata, kasi masaya at walang malaking presyur sa buhay. Nararanasan ba ninyo ito? Siguro ang ganitong impresyon ay nakakatulong sa pagiging maganda ng alaala sa pagkabata.
Sabi ni Lilibeth: ang pinakamaganda raw kaibigan ay aso, kasi hindi ka nito ilalaglag kahit ano ang mangyari...kung may sakit ka raw, nakahanda ang aso na akuin ang sakit mo kahit ikamatay niya gumaling ka lamang.
Tama ka riyan, Mareng Lilibeth. Ang aso ay matalik na kaibigan ng buong sangkatauhan. Pero, hindi lang aso. May mga iba pang hayop na tulad ng kabayo, pusa at iba na loyal friend din ng tao. Natatandaan mo ba iyong kuwentong "The Turtle and the Monkey"? Kung tao lamang ang maninirahan sa mundo, siguradong mangungulila siya, di ba? Ang susunod na awitin ay Love You You, mula kay JJ Lin.
Nabanggit ko sa nagdaang programa na ang mga katangian ng panahong pagkabata ay masigla, optimistiko, at puno ng pag-asa. Ito ay parang temperature ngayon sa Tsina na napakainit. Sa totoo lang, may isa pang katangian ang panahon ng pagkabata, at ito ay malaya o agresibo silang gawin ang anumang gustuhin nila. Ang huling awtin ngayong gabi ay isang rock style music na may pamagat na rage, mula kay Wang Yuexin, isang batang Chinese singer mula sa mainland.
Sa tingin ko, ang diwa ng panahon ng pagkabata ay parang estilo ng iyong awitin na puno ng kasiglahan at katapangan. Siguro kulang sa kahusayan at karanasan. Pero, kung mag-iisip at kikilos naman ang bata na tulad ng isang matanda, parang hindi naman ata bagay sa kanya, di ba?
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.
Good night~
Pop China Ika-16
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |