|
||||||||
|
||
Mula ika-21 hanggang ika-22, nagtanghal si Lady Gaga sa Maynila. Nanood ba kayo? Gusto ba ninyo siya at ang kanyang mga kanta? Ano ang masasabi ninyo sa kanyang style? Puwede kayong mag-iwan ng mensahe sa aming message board sa filipino.cri.cn
Para sa akin, gusto ko ang kanyang pagkanta. Sa tingin ko, maganda at powerful ang mga ito. Pero ang kanyang sayaw at MVT ay mukhang kakatwa o strange. Sabi daw ang kanyang estilo ay ang pinaka-uso ngayon. Pero, sa totoo lang, iyong pagkanta lamang niya ang talagang gusto ko.
Ayon sa mga ulat, ang Pilipinas ay nahati sa dalawa—pagkatig at pagtutol-- dahil sa palabas ni Lady Gaga. Totoo ba? Anuman ang sabihin nila, si Lady Gaga ay isang superstar na may malaking impluwensiya sa buong daigdig. Kahit siya ay babae, mukhang hindi siya uubrang maging presidente o politician na tulad nina Corazon Aquino, Gloria Macapacal Arroyo o Hillary Clinton, dahil wala ni isa sa mga ito ang mula sa entertainment sector. At kahit siya ay isang film star, wala rin siyang pagkakataong maging presidente o politician tulad nina Ronald Reagan, Arnold Schwarzenegger, Joseph Estrada o Erap. Kaya hindi dapat ikabalaha ang kanyang palabas. Basta ma-enjoy lamang kayo sa kanyang kanta at performance—kung gusto ninyo.
Mga fans ni Lady Gaga
Tunghayan muna natin ang mensahe mula sa takapakinig. Sabi ni Ingrid: Christian greetings sa pop china at kay vice happy DJ, kuya ernest. sana mamalagi kayong malakas at malusog. sana maging full-blown happy dj ka in the future, hehehe... Salamat po… Sana manatili ring masaya at malusog ang ating mga takapakinig at sana manatili rin akong host ng Pop China para mahatdan ko kayo ng magagandang awiting Tsino.
Sabi ni Anna: regalo ko sa nanay ko bandana, bulaklak at candle light dinner, ano pa? Wow, ang sweet naman ng regalo mo sa nanay mo, Anna. Siyempre, mas sweet ang regalo mas happy ang nanay mo.
Sabi naman ni Carmi: dapat nga araw-araw ay mother's day, hindi ba? ganun sila ka-importante. Korek na korek ka riyan, Mare. Ang pagmamahal ng nanay sa anak ay walang pag-iimbot at napakaganda. Sabi ko sa nagdaang programa na dapat itakda ng pamahalaan ang Mother's Day bilang isang bakasyon, kaya wonderful kung araw-araw ay Mother's Day… Biro lang.
Sabi naman ni Shaneil: kung malayo kayo DDD ang pinakamaganda tapos magpa-door-to-door kayo ng sariwang bulaklak. Good idea! Kung ako ay Doraemon, maari akong magpadala ng sariwang bulaklak mismo para sa aking nanay, gaano man ako kalayo sa kanya.
Sabi naman ni Lourdes: ang pinakamagandang regalo sa nanay ay ang ating tapat na pagmamahal. anong kuwenta ng materyal na regalo kung hindi naman natin sila pinag-uukulan ng panahon. Tama ka riyan. Ang pagmamahal ng nanay ay walang katumbas na halaga ng salapi, di ba?
Sa totoo lang, ang isa pang magandang regalo para sa ating mga nanay ay ang pagigingmas maganda, masaya at malusog natin, hindi ba? Ok ang unang awting ngayong gabi ay Better Me, mula kay Fiona Sit, isang magandang mang-aawit at aktres na mula sa Hong Kong, China.
Noong una siyang pumasok sa entertainment sector, ang kanyang unang pelikula ay kolaborasyon nila ni Jaycee Chan, anak ni Jackie Chan. Ang pelikula ay 2 young noong 2005 na inilarawan ang kuwento hinggil sa batang nanay pero hindi pa nag-asawa. Kaya ang susunod na awitin ay ang "Not Easy" na inawit ni Zhang Liangying, isang bata pero magaling na babeng singer mula sa mainland, China.
Sa totoo lang, hindi laging puno ng masasayang bagay ang pagmamahal sa pagitan ng mga magulang at anak o ng mga magkasintahan, dahil sa mga magkakaibang ideya, higit pa ang magduruan na dulot ng labis na pag-aasikao. Kaya, datapuwa't ang ganitong uri ng pagmamahal ay puno ng tamis, nag-iiwan din naman ito ng kaunting lungkot sa alaala, di ba? Ok, Ang huling awitin ngayong gabi ay Sad Fairy Tale, mula kay Hu Xia, isang batang lalaking mang-aawit ng Tsina.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.
Good night~
Pop China Ika-18
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |