Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-23 2012

(GMT+08:00) 2012-06-11 10:44:37       CRI

Mula ika-7 hanggang ika-9 ng buwang ito ay National Entrance Exam period ng mga kolehiyo at pamantasan sa Tsina. Ito ang unang daan tungo sa pagpasok ng mga estudyanteng Tsino sa kolehiyo. Ito ay isa ring napakahalagang pagkakataon para sa kanilang pamumuhay. Nasisiguro ko na naranasan din ninyong kumuha ng ganitong klase ng eksaminasyon. Para sa akin, ayoko na itong maranasang muli. Sobra kaya ang bigat ng presyur.

Tunghayan muna natin ang mensahe mula sa takapakinig. Sabi ni Shaneil: noong bata pa ako, pilyang-pilya ako. pero, ngayon, matino na ako.

Tama ka, mareng Shaneil. Magkaiba talaga ang kilos at takbo ng pag-iisip ng mga bata at mga may-gulang. Pero, dito sa Tsina ay may isang tradisyonal na kasabihan na, kung sino raw ang mas pilya o pilya noong bata ay siyang magiging mas matagumay sa karera pag lumaki.

Sabi naman ni Paul: gusto ko iyong batang may hawak ng tirador. ganun ako noong bata pa. mahilig talaga ako sa tirador.

Salamat po. Noong bata pa ako, ito ay isang popular na laruan para sa mga lalaking batang Tsino. Ito rin ang laruang ayaw na ayaw ng mga magulang at guro, kas, kaming mga lalaki ay laging nakakabasag ng mga ilaw sa tabi ng kalye at ng salamin ng silid-aralan at kapit-bahay.

Sabi naman ni Zeny: masaya childhood days ko. walang iniintindi sa buhay. sarap i-recall.

Tama. Tama ka. Ito ang dahilan kung bakit ko gusto kong bumalik sa childhood days.

Sabi naman ni Mato: lagi ko ngang inaalala ang mga masasayang araw ko noong bata pa ako. at least nababawasan ang pressure na nararamdaman ko ngayon.

Pareho tayo. Dahil, ngayon, lumalaki ang presyur sa pamumuhay at trabaho sa Tsina at bumibilis ang ritmo ng buhay, madali akong hapuin. Kaya ang pag-alaala sa panahon ng pagkabata ay isang mabisang paraan para maibsan ang pagod at presyur.

Sabi naman ni Ingrid: iyong mga biktima ng child abuse, siyempre ayaw nilang alalahanin ang panahon noong sila'y bata pa.

Sang-ayon ko sa iyo, mare. Ang ganitong karahasan ay isa sa mga pinakamasamang pangyayari sa buong daigdig. Sana mapawi na ito sa lalong madaling panahon.

Kaya narito ang awiting Childhood, mula kay Lo Da Yu, isang kilalang mang-aawit mula sa Taiwan, bilang pagdiriwang sa magandang panahon ng ating pagkabata.

Habang pinakikinggan ko ang awiting iyan, agarang pumasok naman sa isip ko ang masasayang araw noong ako ay bata pa. Sa tingin ko, ang pinakamaganda sa lahat ay huwag tayong bumalik sa panahon ng pagkabata, di ba?

Kahit ilang ulit nating balikan sa isip ang panahon ng pagkabata, sa banding huli, hindi natin matatakasan ang katotohanan na tayo ay malaki na at hindi makakaiwas sa mga presyur sa pag-aaral at trabaho o sakit ng damdamin na dulot ng kabiguan sa pag-ibig at iba pa. Habang nararanasan ninyo ang mag ito, ano ang ginagawa ninyo? Sa tingin ko, ang pakikinig sa awitin ay isang mabisang paraan para mabawasan ang sakit ng damdamin na dulot ng mga ito. Kaya, ang susunod na awitin ay pinamagatang "Karanasan," mula kay Chen Chusheng, isang kilalang mang-aawit ng mainland ng Tsina.

Ang panahon ng pagkabata ay parang pagsisimula ng biyahe sa buhay ng tao. Kahit hindi natin kayang bumalik sa panahong noong tayo ay bata pa, maaari naman nating hanapin ang magagandang kinabukasan sa landas ng buhay. Kaya dapat tayo manatiling optimistiko, masipag, at masigla, di ba? Ang huling awitin ngayong gabi ay ang Go Go Fighting, mula kay Olivia Hang, babaeng mang-aawit mula sa Taiwan.

Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.

Good night~

Pop China Ika-22

Pop China Ika-21

Pop China Ika-20

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>