Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-24 2012

(GMT+08:00) 2012-06-18 14:41:57       CRI

Kung maganda ang panahon, maganda rin ang pakiramdam ko. Nitong ilang araw na nakalipas, maganda ang panahon dito sa Beijing-- katam-taman ang temperature, walang malakas na hangin at hindi matalim ang sinag ng araw, at hindi dry ang Beijing dahil may manaka-nakang pag-ulan Kaya kung nandito kayo sa Beijing, makakakita kayo ng purong asul na langit at puting ulap.

Noong ako ay nasa mababang paaralan, itinuro minsan n gaming titser na may iba't ibang hugis ang ulap na gaya ng aso, pusa, isda, at kabayo. Sa katotohanan, enjoy na enjoy akong ilarawan sa isip ang mga hugis ng ulap. Sa tingin ko, ang imagination ay isa sa mga pinakamahalagang kakayahan ng tao. Kahit masama ang panahon, nakakakita pa rin tayo ng magagandang tawain. Ang susunod na awitin ay ang the flower under the fog, mula kay Joey Yung, isang super singer mula sa Hong Kong, China.

Habang binabanggit ang panahon sa Beijing, nagkakasalungat naman ang mga damdamin ko. Sa isang dako, ayaw ko ang pahahong laging tuyo, sobrang maakas ang hangin, madumi, at maiksi ang tag-sibol at taglagas; sa kabilang dako naman, sampung taon na akong namumuhay at nagtatrabaho dito sa Beijing at nasanay na ako sa buhay dito. Sanay na ako sa mga pagkain, sa komunikasyon at mga tanawindito, at ang pinakamahalaga sa lahat marami akong matatalik na kaibigan sa Beijing.

Sabi ni Pareng Rhio, Pinoy na trabahador ng aming Serbisyo Filipino, na ang San Miguel beer daw ay alak para sa tunay na lalaki; pero, para sa akin, ang paborito kong alak ay ang Er Guo Tou, isang katutubong alak ng Beijing. Dito sa Tsina, ang alak ay isang mabisang paraan para mapalalim ang pagkakaibigan-- pero sa pagitan ng mga lalaki lamang. Kaya ang susunod na awitin ay ang Alak mula sa Kaibigan, na inawit ni Li Xiaojie, lalaking mang-aawit na Tsino.

Alin ang mas mahalaga para sa isang lunsod, ang magandang likas na kapaligiran ba o mas maraming pagkakataon sa trabaho at edukasyon? Ngayon sa Tsina, ang ganitong pagpili ay nagiging isyung panlipunan, lalo na sa mga malalaking lunsod na gaya ng Beijing, Shanghai at iba pa. Sa isang dako, parami nang paraming tao ang pumupunta sa mga lunsod na ito para sa mas magandang edukasyon at maraming pagkakataon sa trabaho; sa kabilang dako, ang kalagayang ito ay nagdudulot ng malaking presyur sa kapaligiran sa lokalidad na gaya ng polusyon at trapiko. Pero ngayong gabi, huwag ninyong isaalang-alang ang mga seiyosong isyu at kasiyahan lamang ninyo ang mga magagandang awitin sa wikang Tsino. Ang susunod na awitin ay ang Let Down, mula kay Zhang Liangying, isang maganda at mahusay na mang-aawit mula sa mainland ng Tsina.

Tunghayan natin ang mensahe mula sa takapakinig. Sabi ni Ronna: ang mga bata ay hindi dapat maltratuhin, pagtrabahuhin, abusuhin at pagsundaluhin.

Tama ka, Mare. Ito ay maihahalintulad sa sinabi ni Dr Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sinabi rin minsan ni Chairman Mao Zedong ng Tsina na ang mga kabataan ay bulaklak ng bansa. Ibig-sabihin, ang mga kabataan ay kumakatawan sa kinabukasan ng isang bansa.

Sabi ni Min: walang masama kung lingunin natin ang ating pagkabata paminsan-minsan. makakatulong pa nga iyan sa ating pagtanda.

Oo nga, ito ay isang mabisang paraan para mabawasan ang presyur ng mga may-gulang sa trabaho at pamumuhay. Kung mananatiling bata ang inyong kalooban, makmumukha rin kayong bata na puno ng enerhiya.

Sabi naman ni Lydia: pinakamahalagang panahon sa buhay ng tao ang panahon ng pagkabata. Dito nahuhubog ang kanyang isipan.

Tama ka, Mare. Ibig-sabihin, napakahalaga ng edukasyon, hindi lamang para sa kaisipan ng mga bata, kundi maging sa kinabukasan ng isang bansa. Kasi, kung hindi makakatanggap ng magandang edukasyon ang mga bata, hindi rin mahuhubog nang maganda ang kanilang pag-iisip at mas malamang na kaharapin nila ang maraming problema sa hinaharap, at ang problemang ito ay makadaragdag sa problema ng lipunan.

Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.

Good night~

Pop China Ika-23

Pop China Ika-22

Pop China Ika-21

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>