|
||||||||
|
||
Nabanggit ko sa nagdaang programa na ngayon ay summer vacation para sa mga estudyante at ipinalalabas ang mga bagong pelikula sa loob at labas ng bansa, kaya kahit walang bakasyon ang mga nagtatrabaho na gaya ko. puwede ring pumunta sa sinehan para ma-enjoy ang malayang oras pagkatapos ng trabaho. Ito rin ang magandang paraan ng pagpapahinga.
Para sa isang pelikula, ang paksa, nilalaman at pag-arte ng mga artista ay mga mahahalagang elemento para makaakit ng mga manonood. Walang duda, ang mga musika, lalo na ang theme song ay mahalaga rin. Halimbawa, ang theme song ng Titanic na "My Heart Will Go On" ay kasing popular ng pelikulang "Titanic" sa buong daigdig.
Ano ang paborito mong pelikula? Siguro walang magkakaparehong sagot ang mga tao. Pero kung pelikulang Tsino ang mababanggit, ano ang unang papasok sa isip ninyo? Siguro Kung Fu films at Kung Fu stars na gay nina Bruce Lee, Jet Li at Jackie Chan. Kaya, ang unang awitin ngayong gabi ay ang "Faith," theme song ng pelikulang Ip Man II, na inawit ni Yang Kun, lalaking mang-aaiwit na Tsino.
Ngayon, dito sa Tsina, hindi gaanong sikat ang mga Kung Fu film. Sa isang dako, matanda na ang mga kilalang Kung Fu star na gaya nina Jet Li at Jackie Chan, at walang bagong sibol na Kung Fu actors; sa kabilang dako, simple lang ang kuwento ng mga Kung Fu film, kaya mahirap makaakit ng mga manonood ang mga pelikulang ito.
Sa totoo lang, kahit ang mga Chinese Kung Fu film ang mas kilala sa buong daigdig, mayaman din ang mga iba pang uri ng local films sa Tsina na gaya ng comedy, love story, war films, horror films at iba pa. Para sa mga mamamayang Tsino, walang duda, marami ang may gusto ng Hollywood films, pero, popular din naman ang mga lokal na pelikula. Ang susunod na awitin ay pinamagatang "Love Song," theme song ng isang popular na local film na "Love is not Blind" ng taong 2012.
Popular din ngayon dito Tsina ang mga pelikulang love story, lalo na sa hanay ng mga kabataan. Kasi, kumpara sa panahon ng kanilang mga magulang, lumilitaw ang mga bagong ideya at bagay. Halimbawa, Left Over Ladies, Naked Wedding, at iba pa. Kinakaharap din nila ang malaking presyur sa pagmamahal na gaya ng bahay at kotse, kaya gusto nilang maghanap ng puro at magandang pagmamahal sa pelikula.
Sa katotohanan, ang nabanggit ko kanina ay isang bahagi lamang ng mga dahilan kung bakit popular ang mga love story film sa Tsina. Kasi ang pagmamahal ay isang napakagandang paksa na tinatanggap sa buong daigdig, di ba?
Kaya naman ang huling awitin ngayon gabi ay hinggil sa pagmamahal. Ito ay pinamagatang "Super Star" theme song ng "Dear Enemy," at inawit ni Stanley Huang, isang macho-guwapitong mang-aawit na Taiwanese.
Sabi, ang relasyon daw sa pagitan ng magkasintahan ay parang kalaban, tulad ng pangalan ng pelikulang ito, kasi gusto nilang makuha ang buong puso ng isa't isa. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nilang ito. Pero, si Huang at Xu Jinglei, main actor at actress sa pelikulang ito ay naging tunay na magkasintahan. Best wish sa kanila.
Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Sandra: nari-receive namin nang malinaw programa niyong pop china. we make it a point to listen to your program every saturday. Sabi naman ni Super DJ happy: pagbutihin mo, pre, lagi kaming nandito para sa iyo.
Salamat po, salamat sa iyong pagkatig sa aming programang Pop China at welkam sa pakikinig sa ibang mga programa ng Serbisyo Filipino.
Sabi ni Melisa: happy belated dragon boat festival sa pop china at kay kuya ernest. pop china is one of my favorites. anong say ni kaka? Sabi naman ni Jadex: hi, Mr. Vice Happy, maligayang bakasyon din, ha?
Masaya ako talaga. Hindi kailangang pumasok sa opisina at may maraming oras na pumasyal, maglaro at magpahinga.
Sabi ni Pablo cruz: gaano ba kahaba ang summer vacation sa china? parang magkaiba ata tayo ng panahon, ah. Sabi naman ni Joselito: iyan ang hinihintay ng lahat ng estudyante, bakasyon, summer vacation...diyan na nagsisimula ang lakwatsahan, hehe...
Sa Tsina, halos 2 buwan ang summer vacation para sa mga estudyante at halos 1 buwan ang winter vacation. Masaya talaga ang mga estudyante kasi mahaba ang bakasyon.
Sabi ni Rodel: pareng ernest, ok sa akin ang programa mo, pero mukhang kulang sa pukpok. pukpukin mo pa, pare. sama ako ng sampu jan.
Salamat po sa iyong mahalagang mungkahi, pabubutihin ko ang aking sarili sa susunod na mga programa at sana patuloy na pakikinggan po ninyo ang programang Pop China at ihaharap ang mga kuru-kuro.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.
Good night~
Pop China Ika-23
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |