Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China ika-27 2012

(GMT+08:00) 2012-07-08 20:49:09       CRI

Tinalakay natin sa nagdaang programa ang mga theme song ng Chinese films. Para sa mga mang-aawit, magiging kilala sila kung sila ang kakanta ng isang sikat na theme song ng pelikula, pero para sa ibang mga sikat na theme song, hindi alam ng mga tao kung sino ang mang-aawit nito. Halimbawa, ang awiting Man of Determination, theme song ng pelikulang Huang Feihong II, ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa lahat ng mga manonood ng pelikulang ito; pero, kaunti lang ang nakakalam na ang mandarin version ng awiting ito ay inawit ni Jackie Chan noong 1992. kaya ang unang awiting ihahatid sa iyo ay ang awiting Man of Determinatio, mula kay Jackie Chan. 

Habang pinakikinggan ninyo ang awiting ito, mahuhulaan ba ninyo kung si Jackie Chan nga ang umawit nito? Para sa halos lahat ng mamamayan ng mainland China, hindi rin nila alam. Dahil napakapopular ng pelikulang Huang Feihong, kung maririnig ng mga tao ang awiting ito, ang unang papasok sa kanilang isip ay ang pelikula at never ang mang-aawit. Para bang kung maririnig ng mga Tsino ang awiting My Heart Will Go On, ang agarang sasaisip nila ay ang pelikulang "Titani" sa halip ng mang-aawit nito na si Celine Dion.

Hindi lamang si Jackie Chan, may mga iba pang kilalang Chinese singers na kumanta rin minsan ng theme song ng mga kilalang pelikula. Pero dahil napakapopular ng pelikula, kahit natatandaan ng mga tao ang theme song hindi naman nila alam o matandaan kung sino ang mang-aawit; kaya, ang susunod na awitin ay theme song ng pelikulang "Infernal Affairs" na inawit ni Andy Lau.

Sa katotohanan, si Andy Lau ay siyang pangunahing bida sa pelikulang ito, at ang paglabas niya ay mainit na tinatanggap ng mga manonood. Tulad ng sinabi ko kanina, dahil napakaganda ng pelikula at paglabas ni Andy Lau, halos nakalimutan na ng mga manonood na si Andy rin ang kumanta ng theme song ng pelikula, kahit maganda rin ang awiting ito.

Mahigpit ang relasyon ng theme song at pelikula. Habang nakikinig sa isang theme song, ang unang pumapasok sa isip natin ay ang pelikula kung saan ito ginamit. Ang huling awitin ngayong gabi ay "That Love Forever," theme song ng pelikulang "A Better Tomorrow," makabuluhang tagpo sa kasaysayan ng pelikula ng Hong Kong, lalo na sa buong Tsina.

Sa larangan ng theme songs ng mga pelikula, ang awitin sa Cantonese dialect ay nasa mahalagang katayuan, kasi alam ng lahat na naging sikat na sikat minsan ang mga Hong Kong film sa buong Asya at ang karamihan sa kilala sa buong daigdig na super film stars ng Tsina, na gaya nina Jackie Chan, Chow Yun-fat, Andy Lau at iba pa ay taga-Hong Kong. Sa katotohanan, si Chow Yun-fat ay nagsimulang sumikat sa buong Asya dahil sa maganda niyang pagganap sa pelikulang "A Better Tomorrow."

Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Mulong: hindi ko ma-imagine ang isang pelikula na walang background music at walang theme song. parang PENEKULA, hehe. Sabi naman ni Joseph M: napupuna ko lang na karamihan sa mga movie themes ay makabagbag damdamin. siguro iyan din dahilan kaya madaling sumikat ang mga ito.

Sang-ayon ko sa inyo, pare, ang theme song ay mahalagang bahagi ng isang pelikula. Kung may pagkakataon, patuloy akong mag-i-introduce ng mga magagandang theme song sa ating mga tagapakinig.

Sabi ni Mato: pop china, You are so cool...hehehe...kumsta na, kuya ernest? mabuhay ang programang pop china...atin ito!

Salamat po sa iyong pagkatig. Sana patuloy na ma-enjoy po ninyo ang programang Pop China sa hinaharap.

Sabi ni Shawee: saan ka nag-aral ng tagalog, kuya ernest? mas mahusay ka pang magsalita sa akin, eh.hehe...

Nag-aral ako ng wikang Filipino sa Peking University mula 2002 hanggang 2006. May kursong wika at kulturang Pilipino sa naturang unibersidad. Sana magkaroon ka ng pagkakataong makabisita sa Peking University, isa sa pinakasikat at pinakamagandang pamantasan sa Tsina.

Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night.

Good night~

Pop China Ika-26

Pop China Ika-25

Pop China Ika-24

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>