|
||||||||
|
||
Pagkatapos ng trabaho, ano ang ginagawa ninyo sa gabi kung tag-init? Walang duda, maraming mapagpipilian. Nariyan ang panonood ng pelikula, paglalaro ng games at pamamayal. Sa tingin ko, ang salu-salo kasama ng mga kaibigan ay maganda ring choice.
Isang night market ng mga meryenta sa Beijing
Ngayon, dito sa Beijing, nagiging popular ang mga pagkain sa tabi-tabi, lalo na kung gabi. Makakakita kayo ng maraming tao na kumakain at umiinom ng beear habang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan sa mga kainan sa bangketa. Mainit talaga ang atmospera doon. Dahil manit ang panahon, gusto ng mga taong kumain sa labas. Kumpara sa ibang mga restawran, mura ang mga pagkain sa tabi-tabi at maaari kang magtagal dito hanggang madaling araw. Kaya ito ang isang magandang pagpili para sa salu-salo ng mga kaibigan at pamiliya sa gabi kung tag-init.
Pero, dahil gusto ng mga tao, lalo na ng mga lalaki na uminom ng beer sa salu-salo, ang isang problema ay hindi maiwasan ang sobrang kalasingan lalo na kung nasosobrahan ng inom. Kung ganito naman nang ganito, hindi na iyan makakabuti sa ating kalusugan at kung nasosobrahan tayo ng inom nag-iiba ang ating mga kilos at kung minsan nawawala tayo sa hulog at nawawalan ng control. Kaya ang unang awitin ngayong gabi ay ang "Act the Giddy Goat" na inawit ni Kenji Wu, mang-aawit mula sa Taiwan.
Mga pagkain sa tabi-tabi sa Beijing kapag tag-init
Para sa isang lalaki, may mga dahilan kung bakit siya naglalasing, gaya ng pagkabigo sa pag-ibig at pagkakatanggal sa trabaho. Pero kung lasing sila, ang kilos nila ay parang isang giddy goat, hindi ba?
Tunghayan muna natin ang mensahe ng ating mga takapakinig, sabi ni buddy boy: minsan nga mas sikat pa ang theme song kaysa pelikula.
Tama ka, pare. Maraming ganitong uri ng theme song sa Tsina. Kaya ang susunod na awitin na pinamagatang "Don't Love Other Boy" ay isang magandang theme song ng di-kilalang pelikulang "Shanghai Grand"
Alam ba ninyo na ang awiting ito ay inawit ni Andy Lau at siya pa rin ang pangunahing bida ng pelikulang ito? Sa katotohanan, nagsama-sama ang maraming kilalang film star sa pelikulang ito na kinabibilangan nina Andy Lau at Leslie Cheung, na galing sa Hong Kong, Lau Shun at Wu Hsing-kuo na galing sa Taiwan, at Woo-sung Jung, na mula sa Timog Korea, pero hindi gaanong sumikat ang pelikulang ito kumpara sa theme song at mga magagaling na aktor ng pelikulang ito.
Poster ng pelikulang Shanghai Grand
Sabi naman ni adel: depende rin kasi sa promotion ng theme song. kung laging pinatutugtog sa radyo ang theme song ng isang pelikula, makikilala ito ng public.
Tama. Ang promotion ay mahalaga rin para sa theme song at pelikula. pero kung hindi maganda ang mga ito, mukhang hindi maaring mainit na tinatanggap ang mga ito ng mga tao, di ba?
Sabi naman ni Mulong: hi, ka ernest. sana makapunta ka rin sa pinas tulad ng iba mo pang kasamahan para makapaghuntahan naman tayo...
Gusto ko talagang pumunta sa Pilipinas. Sapul nang sinimulan ko ang pag-aaral ng wikang Filipino, kasaysayan at kultura ng Pilipinas, ito ang aking hangarin, pero wala akong pagkakataon, sayang nga. Ok, ang huling awiting ngayong gabi ay ang A little Sweet mula kay Silence Wang, mang-aawit mula sa mainland ng Tsina.
A little Sweet
Kahit hindi pa akong nakapunta sa Pilipinas, ang anyo ng Pilipinas sa aking isipan ay ang mabait na Pinoy, Jeepney, masasarap na pagkain na gaya ng litson at adobo, San Miguel beer, mga matulaing purok na gaya ng chocolate hill at Boracay, at alamat ng Durian. Ang damdamin ko ay parang pangalan ng awiting ito na a little sweet.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~
Pop China Ika-25
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |