|
||||||||
|
||
Ngayon, dito sa Tsina, kung tag-init, liban sa salu-salo kasama ng mga kaibigan at pamilya sa tabi-tabi, ang panonood ng pelikula ay isa pa ring magandang pagpili pagkatapos ng trabaho. Sa taong ito, maraming ipinalabas na Chinese films at ang pinakasikat sa mga ito ay ang Painted Skin II na ipinalabas noong ika-28 ng nagdaang Hunyo.
Ang Painted Skin II ay tumabo ng 90 milyong yuan rmb sa unang araw ng screening nito at ito ay kumita ng mahigit 600 milyong yuan rmb sa loob ng dalawang linggong pagpapalabas nito. Ito ay isang bagong record sa kasaysayan ng pelikulang Tsino, na lumampas sa Tangshan Earth Quake na isinapelikula ni Feng Xiaogang at Let the Bullet Fly na isinapelikula ni Jiang Wen. Sa katotohanan, sina Feng Xiaogang at Jiang Wen ay napakakilalang direkor na Tsino at ang kanilang mga pelikula ay madalas na mainit na tinatanggap ng mga manonood na Tsino at ng international awards.
Sa katotohanan, bukod sa Painted Skin II, mayroon ding mga magandang Chinese film ngayong tag-init na gaya ng The First Time, Caught in the Web, Black and White at iba pa. Pero sa mga domestikong pelikula, ang mas popular ay ang mga love story na gaya ng Painted Skin II. Ang romentikong kuwento hinggil sa prinsesa at kanyang kabalyero ay isang karaniwang paksa ng mga popular na pelikula, hindi ba?
Tulad ng alam ng lahat, ang prinsesa ay laging binabantayan ng kanyang kabalyero at ang walang-hanggang pagmamahal ay panlahat na hangarin ng sangkatauhan. Ang purong pagmamahal ay parang diamante na napakahalaga, napakatibay at maaring magtagal nang walang hanggan.
Kung tag-init, parang gusto kong bumalik sa panahong ako ay isang estudyante, kasi may halos 2 buwang bakasyon ang eskuwela, di ba? Bukod dito, ang tag-init ay nagpapahiwatig ng kasiglahan at ng pagkakaroon ng lubos na enerhiya. Kaya ang susunod na patutugtugin natin ay isang masigla at masayang awitin na pinamagatang Love You, Love You, mula kay By2, dalawang babaeng kambal na galing sa Singapore.
Kung ang awiting "Keeping You Company Forever" ay maihahalintulad sa romantikong kuwento ng prinsesa at kanyang kabalyero, ang awiting Love You, Love You, ay parang love story na nagaganap sa pagitan ng mga batang lalaki at babae sa mga makabagong lunsod.
Sa tag-init sa Beijing, ano ang magandang regalo para sa residenteng lokal? Walang duda, ang katamtamang pag-ulan, dahil ito ang nagpapalamig ng panahon, nagpapanatiling malinis ng kalye at nagbabawas ng paggamit ng aircon. Kaya, ang huling awtin ngayong gabi ay ang "Little Shower," na mula kay Fish Leong, mang-aawit mula sa Taiwan, China.
Tunghayan natin ang mga mensahe mula sa tagapakinig. Sabi ni Brenda: maganda folk house-hopping pagkatapos ng work. makinig sa music habang umiinom ng lady's drink.
Sana makinig po ninyo ang aming programang Pop China ngayon at sabayang umiinom ng lady's drink.
Sabi naman ni Joel: relaks-relaks muna pagkatapos ng trabaho. mag-sanmig muna tayo. wag masyadong dibdiban ang hotraba.
Tama ka, pare. Mayroong isang kasabihan dito sa Tsina na ang pagpahinga ay para sa mas magandang pagawa.
Sabi naman ni Menchu: yung mga iba, pagkatapos ng trabaho, rumaraket pa. paano naman ang gagawin ng tao kung maliit ang kita. basta huwag lang gagawa ng masama.
Ang ehersisyo ay magandang paraan ng pagrerelaks pagkatapos ng trabaho at ito ay mabuti rin sa kalusugan. Ang paborito kong ehersisyo ay paglangoy, na nagpapaganda ng hugis ng katawan.
Itong muli si Ernest at sa ngalan ni Ate Sissi, sana manatiling malusog at masaya kayong lahat day and night. Good night~
Pop China Ika-26
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |