|
||||||||
|
||
Pinakakain at binibigyan ng shelter ng tao ang alaga ninyang hayop at sinusuklian naman ng hayop ng loyalty ang kabaitan ng kanyang amo- at ang pusa na aakyat sa stage sa susunod, ang kanyang loyalty ay screamingly well repaid. Hanggang maging trustees, nalaman nina Ann at Eugene Wheatley na isang mayaman ang kanilang patay na kapitbahay, isang old lady. Bukod sa bahay na nagkakalahaga ng 586 libong pounds na tinitirhan niya noong siya ay buhay pa, mayroon din siyang isang malaking bahay sa London at 100 libong pounds na trust fund at iniwan niya ang lahat ng mga ito sa kanyang beloved pet na si Thinker , isang 8 taong gulang na babaeng pusa. Cat lovers din sina Ann at Eugene at sila ang pinili na mag-alaga kay Thinker. Totoong mabait ang owner ni Thinker, di pa, bagama't pinatay, naigrantiya pa niyang manatiling masaya ang kanyang anak. Baka, sa tingi niya, mas mahalaga ang kanyang pusa kaysa sa pera, isang incomparable treasure para sa kanya…
Noong yamao si Socialite Leona Hemsley, iniwan niya hindi lang ang kanyang 12 milyong ari-arian, kundi maging endless trouble sa kanyang aso na pinangalanang Trouble. Dumulog sa hukuman ang mga kamag-anakan ni Hemsley at hiniling nila sa judge na alisin ang karapatan sa mana ni Trouble dahil naniniwala sila na habang isinagawa ang desisyon, nakakaranas si Hemsley ng mental health problem. Actually, noong isulat ang last will and testament, alam na ni Mrs Hemsley na kung gustong maiwasan ang trouble sa loob ng pamilya, the only way is, ibigay ang kanyang pera sa aso. At sa bandang huli, nag-rule ang judge na magmamana lamang si Trouble ng 2 milyon at bagong namatay si Trouble noong isang taon, nakatanggap pa siya ng maraming threats at kidnapping na maging dahilan kung bakit dapat umupa ng full-time na security guard para sa kanya. Naku, trouble, live up to his name, di ba?
Hindi mga aso at pusa lamang, kundi ang iba pang hayop ay puwedeng maging miyembro ng mga millionaire pet club. Isang manok na may 10 milyong dolyares na net worth, narinig ba ninyo? At kung sasabihin ko sayo, ito ay alaga ng Britanikong publishing mogul na sina Miles at Briony Blackwell. Mataas na pinahahalagahan nila ang kanilang "anak na ibon" at ipinsiyang ipamana ang bahagi ng kanilang pera sa kanya. At sa Aprika naman, pagkaraang palayain ni Mrs Patricia O' Neill ang isang may sakit na gorilla na iginapos sa isang punong kahoy sa Zaire, nagbago ang buhay ng nasabing gorilla na pinangalanang Kalu. Habang tumitira siya sa bahay ni Mrs O'Neill sa South Affica, may-ari rin siya ng isang mansion at farm sa Australya at magmamana pa ng 90 milyong dolyares pagkaraang yumao si Mrs O'Neill. Dahil gusto magganti sa kanyang asawa, iniwan ni Mrs O'Neill ang lahat ng kanyang property kay Malu para masegurdong hindi makakakuha ang kanyang asawa kahit isang pera mula sa kanyang fortune.
Anong klaseng buhay mayroon ang pinakamayamang pet sa daigdig-Si Gunther IV. Noong yumao ang Alemanyang Countess na si Karlotta Lieberstein, iniwan niya ang 372 milyong dolyares kay Gunther III at pagkaraang namatay si Gunther III, ang mga pera ay initranfer sa kanyang anak na lalaki na si Gunther IV. Si Gunther IV ang pinakamayamang pet na maraming properties sa kanyang pangalan. Ang mga ito ay kinbibilangan ng dating mansion ni Madonna sa Miami at isang villa sa Bahamas na may kumpletong butler services. Maluho ang pamumuhay ni Gunther IV, kamakailan, na-in-love siya sa lasa ng white truffles at kumakain siya ng caviar at steak araw-araw.
I-klik lamang ninyo ang "Like " button ng aming facebook account "CRI Filipino Service"