Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-36 2013

(GMT+08:00) 2013-10-02 16:44:13       CRI
Ang kasal ay itinuturing pinaka-importanteng event sa buhay ng isang tao, partikular na para sa mga babae. Mayroon isang kasabihan na "How much the groom spends for the bride means how much he loves her." At siyempre, puwedeng umabot sa ilang libo ang gastos para sa mga kung anu-ano tulad ng wedding dress, invitations, favors, cake, wedding ring, rental of the place, photographer at etc. at sa bagong episode ng Top 10 series para sa gabi ito, titingan natin ang sampung nangungunang pinakamaluhong kasal sa buong daigdig.

10.Tom Cruise and Katie Holmes ($2 million) - Noong taong 2005, nag-propose si Tom Cruise kay Katie Holmes sa itaas ng Eiffel Tower-- at, makaraan ang 19 na buwan, naganap ang kasalang dinaluhan ng 150 panauhin sa Odescalchi Castle sa Rome. Sa naturang kasalan na ginastusan ng 2 milyong dolyares, ang lahat ng kasuotan na ginamit ng braidal entourage ay dinisenyo ni Girgio Armani. at nagbigay din ng performance sa wedding si Andrea Boccelli.

9.Paul McCartney and Heather Mills ($3 million)- noong taong 2011, sa wedding ceremony nina Paul McCartney and Heather Mills na ginugol ng 3 milyong dolyares, nakita ng mga panauhin ang fireworks, grand feasting at dancers na nakasuot ng Indian costumes. Pinalipas nila ang honeymoon sa yachat na nagkakahalaga ng 20 milyong dolyares at nangangailangang bayaran ng 19000 dolyares isang gabi. Siguro, dahil gumugol dito ng sobrang laki, pagkarang mag-split sila ni Heather Mills, naghanap si Paul ng mayamang mapapangasawa—at siya ngang napangasawa niya ngayon.

8.Liza Minnelli and David Gest ($3.5 million), 6-feet, 12-tier cake na nagkakalahaga ng 40 libong USD, 60 tao na orchestra, 500 working staff at mahigit 700 libong USD para sa bulaklak lamang, umabot sa 3.5 milyong dolyares ang gastos ng wedding nina Liza Minnelli-- anak na babae ning Judy Garland at Vincente Minnelli, kialalang Oscar Emmy Award winner-- at David Gest, isang producer at television personality. Unfortunately, tulad ng dalawang pares na nabanggit ko, nag-split din sila at tumagal lamang ng 5 taon ang kanilang marriage.

7.Elizabeth Hurley & Arun Nayar ($7 million)-Tinatawag na Babaeng Britanikong may pinakamagandang body statute, Advertising spokesperson ng Estee Lauder, ang wedding ni Elizabeth Hurley at kanyang dating asawang si Arun Nayar, isang Indian businessman, ay tumagal nang walong araw sa 15th century castle in Sudeley Castle in Gloucestershire in Britain, tapos, pumunta sila sa India at pinalipas ang honey moon sa Umaid Bhawan Palace in Jodhpur, India. By the way, umabot sa 10 libong USD bawat araw ang pananatili sa suite doon at lumampas sa 7 milyon ang kabuuang gastos ng kanilang wedding.

6.Delphine Arnault and Alessandro Vallarino Gancia ($7 million)-kung ikasal ang anak na babae ng presidente ng Louis Vitton, guess, ano ang nangyari? Kung nakita ninyo na ang handkerchief na ginamit sa banquet ay may tatak na Luis Vitton, huwag banggitin. Ang bridal ay galing sa pamilyang pinatatakbo ng malaking kompanya ng alak, kaya hindi kataka-taka kung gumugol ng 7 milyong USD ang wedding nina Delphine Arnault, anak na babae ni Bernard Arnault, presidente ng Louis Vitton, and Alessandro Vallarino Gancia. Nag-split din silang dalawa pagkaraan ng limang taon.

5. Wayne Rooney & Coleen McLoughlin ($15 million) – Big fan ka man ng football o hindi, dapat kilala mo si Wayne Rooney. Noong taong 2008, ang 15 milyong USD na wedding nila ng kanyang childhood sweetheart na si Coleen McLoughlin ay gumastos ng 4 na milyong dolyares para sa kasuotan lamang, may 50 panauhing sakay ng 5 magkakaibang pribadong eroplano na nagpalipas ng apat na araw sa isang maluhong yachat na nakahimpil sa rivera islands, Italya.

4. Vikram Chatwal and Priva Sachdey ($20 million) - Susunod, isang pares ng couple na hindi kilala, pero, totoong mayaman. 600 panauhin mula sa 26 bansang kinabibilangan ng dating Pangulong Amerikano na si Bill Clinton ang dumalo sa kanilang 10 araw wedding na magkakasunod na ipinagdiwang sa tatlong lunsod ng Indya at ang wedding nina Vikram Chatwal, anak na lalaki ng isang hotel magnate at Priya Sachdey, isang model, actress at investment banker na ginugol nang mahigit 20 milyong dolyares, ay naging isa sa mga pinamaluhong wedding sa kasaysayan ng Indya at maging ng buong daigdig.

3. Miss Yugoslavia Aleksandra Kokotovic and Andrey Melnichenko ($30 million)- Ikinasal sina Russian billionaire at founder ng MDM Bank at model, Miss Yugoslavia Aleksandra Kokotovic sa Cote D' Azur, France noong ika-3 ng Septyembre, taong 2005. Nagperform sina Christina Aguilera at Whitney Houston para sa mga kilala at mayamang kaibigan ng bride at groom. At umabot sa 30 milyong dolyares ang kabuuang gastos ng kanilang wedding.

2. Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum and Princess Salama ($44.5 million) Bagama't nitong mga 30 taong nakararaan, ang wedding nina Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum and Princess Salama ay Second place pa rin sa mga pinakamaluhong wedding sa kasaysayan, Para ma-accomodate ang 2000 panauhing kinabibilangan ni Gloria Macapagal Arroyo para sa 7 araw, nagtayo pa sila ng isang bagong gusali sa Dubai.

1.Vanisha Mittal & Amit Bhatia ($78 million)-Mga 20 taon pagkaraan ng 44.5 milyong wedding nina Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum and Princess Salama, sa India, lumikha ng isang bagong record ang wedding nina Vanisha Mittal & Amit Bhatia. Idinaos sa pinakamagandang chateau at garden sa France, the 17th century, Vaux le Vicomte, ang bride, si Vanisha Mittal, ay anak na babae ng steel tycoon Lakshmi Mittal at ang groom, si Amit Bhatia, ay isang investment banker. Lumapas sa 1000 ang kabuuang bilang ng mga panauhing dumalo sa wedding banquet na mayroon 100 magkakaibang dishes at umubos ng alak na nagkakahalaga ng $1.5 million

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-35 2013 2013-09-23 16:39:24
v Pop China Ika-34 2013 2013-09-16 17:58:56
v Pop China Ika-33 2013 2013-09-10 17:32:34
v Pop China Ika-32 2013 2013-09-03 15:32:23
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>