|
||||||||
|
||
popchina20130903
|
Sa lunar calendar ng Tsina, noong isang Miyerkules ay kapistahan ng hungry ghost at ayon sa alamat ng Tsina, sa araw na ito, ang lahat ng kaluluwa ay lumalabas mula sa impiyerno at dapat maghanda ng pagkain ang ang mga buhay para sa mga kaluluwa para lubos na ma-enjoy nila ang bakasyon sa man's world. Sa araw na ito, mayroong ilang pagbabawal. Halimbawa, kung makakarinig ng tinig na tumatawag sa inyong pangalan sa gabi, huwag kayong sasagot; huwag patutuyuin ang damit ninyo sa labas ng bahay kung gabi, dahil baka hiramin ito ng mga kaluluwa; huwag kukuha ng litrato sa gabi dahil baka maging group photo ito kasama ng mga di-kilalang nilalang, etc. Susunod, highly recommended ni Sissi doon sa mga mahihina ang loob na huwag ipagpatuloy ang pakikinig sa bagong episode ng Top 10 Series Program para sa gabing ito, kasi, tatalakayin natin ang Top 10 Scariest and Most Haunted Place in Philippines. Kung gustong magkaroon ng matamis na pangitain, mas maganda agarang sarhan ang radio o web page dito….
Ok, umalis na ba ang mga matatakutin? Handa na ba kayo, mga matatapang? Ang unang haunted palace tatalakayin natin para sa gabing ito ay….
Fort Santiago, Intramuros, Manila: sa panahon ng World War II, ilampung libong sibilyan at sundalo ang labis na pinahirapan at pinatay ng hukbong Hapones sa Fort Santiago. At may ilampung libo ang namatay matapos ang sagupaan ng Amerika at Hapon noong taong 1945. At sa kasalukuyan, pagkagat ng dilim, may mga residenteng nakakita ng nagpapatrolyang mga guwardina sibil at may mga kuwento rin tungkol sa mga hiyaw ng mga preso na umaalingawngaw sa lugar.
San Jose de Buenavista: mga 200 taong nakalipas, ang kinaroroonan ng San Jose de Buenavista ay isang malaking gubat at tinitirhan daw ito ng isang uri ng mala-ibong nilalang na tinatawag na wakwak, batay sa huni nito kapag lumilipad. Kung marinig ninyo ang malakas na huni ng wakwak sa gabi, ibig sabihin malayo pa ito, kung maging tahimik, dapat mag-ingat po kayo, dahil handa na sila para sa pagsalakay. Ayon sa kwento, kinakaig ng wakwak ang puso at ininom nito ang dugo ng mga tao, parang mga vampire.
Star Mall Alabang, Muntinlupa City, ang kasalukuyang kinaroroonan ng Star Mall Alabang, ay dating Alabang Cemetery, sabi nila hindi inilipat ng constructor ang mga labi ng mga patay at batay sa mga litratong kinunan sa loob ng mall ay madalas na nagmumulto ang mga kaluluwa. Kaya wag magtaka kung biglang nawawala ang tao sa harap ninyo. Sabi ng mga shopper na minsan maririnig ang ingay at kusang gumagalaw ang bilihin sa Star Mall.
Clark Air Base: Noong WWII, nasanlanta ng matinding pambobomba ng hukbong Hapones ang Clark Air Base na binubuo ng Clark Air Base, Hospital, Home Plate Canteen at Clark Museum. At isa sa mga pag-atake ay nangyari sa Pasko ng 1941, habang nagdiriwang ang ilang tao sa Home Plate Canteen. Mula noon, madalas na makarinig ang mga residenteng lokal ang musika at excited na tinig ng nag-uusap kahit matagal ng bakante ang gusaling ito.
U.P. Los Baños: Halos lahat ng campuses, lalong lalo na ang mga nakaranas ng digmaan, ay punong-puno ng mga haunted stories. Kasama rito ang U.P. Los Banos, dagdag pa rito, ito'y makikita sa paanan ng mahiwagang bundok ng Makiling. Sabi nila madalas na nagpapakita ang mga Philippine Mythical Creature tulad ng Kapre at may mga lugar na hindi pwedeng daanan sa gabi tulad ng Baker Hall, dating Second World War camp kung saan nagpaparamdam at humihiyaw ang mga kaluluwa ng mga nabilanggo dito.
The Manila Film Center: Noong 1980s, naganap ang isang aksidente sa construction site ng Manila Film Center, gustong tapusing madali ang pagatatag nito ng tagadesenyo bago ang isang film festival, pero, biglang gumuhol ang kisame at nalulog ang ilang manggagawa sa orchestra sa ibabaw, pero, sa halip ng paghinto ng pagtatatag at iniligtas ang mga buhay, iniutos ng dating first lady at pangunahing financer ng proyekto, Imelda Marcos na patuloy ang pagtatatag at buried alive ang mga buhay. Tapos, mga strange pangyayari tulad ng mahiwagang tinig, bose at poltergeist activity ang madalas na inulat.
The Ozone Disco-noong ika-18 ng Marso, 1996, naganap ang isang malaking sunog sa Ozone Disco Club sa Quezon City, mga 390 tao ang nasa loob ng Disco sa panahong iyon, pero, 35 lamang ang nakaligtas. ang karamihan sa kanila ang high school at college student na dumalo ng pagdiriwang ng graduation or end of the school year. At noong unang nakita ng ilang tao ang usok at kislap, ipinalalagay nilang ito isa lamang light effects ng Disc Jocky. Hanggang ngayon, bakante pa ang club na ito, umalis na ang mga lumang kapitbahay, pero, sabi ng mga construction worker na nagtatrabaho sa gusaling nasa paligid nito, na puwedeng makinig ang mahinang music at pagmasdan sumasayaw ang mga tao sa loob at ayaw nilang manatili kung gabi.
Baguio City- ang baguio city ay pinaniniwalaang highly haunted place na maraming lugar na naiuulat na kinagaganapan ng mga mahihiwagang pangyayari na tulad ng pinagmumultuhan na batis na kung saan dumadaloy ang human blood at pugot na ulo ng madre at pari. Kabilang dito, pinakanakakatakot ang alamat ng Diplomat Hotel, isang abandadong gusali sa Dominican Hill. Sabi ng dating employee na noong bukas pa ang otel, puwedeng makitang namamasyal ang ghost sa halls na may dalang ulo sa kanilang kamay. At ngayon, kung maglalakad sa labas ng gusali, makikita ninyo ang mga pinto at bintana ng mga kapitbahay na napipintahan ng krus.
San Juan, La Union-Sa mahigit 500 taong kasaysayan ng San Juan, naganap ang malaking sunog, nakaranas ng matinding digmaan at nasalanta ng super lindol at kumalat ang maraming weirdo na istoryang may kinalaman sa kaluluwa. Isa sa kanila ay Devil Cigar Man o Devilman. Iyong panahon bago ang digmaan, pagkatapos maghapunan, nakagawian na ng mga lalaki sa lokalidad na magpunta sa isang manhole, humitit ng tabako at maghuntahan at pag-usapan ang nangyari sa buong araw. At isang araw, isang estranghero ang nakisindi sa kanila at nakita nila sa bandang ibaba ng sombrero niyang buri na siya ay walang mukha. Sabi nila, kung hindi raw nila ito pinasindi, baka kinaladkad sila nito sa impiyerno o gawin silang pipi't bingi.
No 1, most haunted at scariest palace sa Philippines-Balete Drive- baka alam na alam ninyo ang istorya ng White Lady, pagkaraang gahasain at patayin ng mga sundalong Hapones sa panahon ng World War II, nananatiling naggagala ang kanyang spirits sa Balete Drive, iyong sinaunang madilim na kalye. huwag dumaan sa kalyeng ito kung bakante ang backseat ng inyong kotse o motorsiklo, huwag titingin sa likod o sa mirror, dahil makakakita kayo ng babaeng nakaputi, may mahaba at maruming at kung titingan ang kanyang mukha, naku, mula rito ayoko nang ipagpatuloy….
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |