Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pop China Ika-34 2013

(GMT+08:00) 2013-09-16 17:58:56       CRI

Kamakailan, malawakang kumalat ang isang balita sa internet. Nakahuli raw ang isang pamilyang Amerikano ng isang octopus o pugita na may anim na mahahabang galamay o tentacles noong nagbabakasyon sila sa Gresya. Siyempre, excited sila. Kinunan nila ito ng litrato bago niluto at kinain. Nang mabanggit nila ito sa isang biologist, nalaman nilang ang octopus na nahuli at niluto nila ay ang ikalawa sa mga octopus na may anim na galamay na natuklasan sa buong daigdig. Sising-sisi sila.

May mahigit 7100 isla, ang Pilipinas ay hindi lamang isang cradle ng makululay na kultura at kaugalian ng sangkatauhan, kundi isa ring paraiso ng mga hayop at halaman. Sa katunayan, umaabot sa 7492 uri ng mga halaman, ibon, ampibian, reptile at mammal ang matatagpuan sa Philippines.

Bukod sa tamaraw, tarsier, pilandok at iba pang world famous na precious national treasure, sa bagong episode ng "Top 10" series sa gabing ito, sundan ang inyong happiest at sweetest trainee tour guide na si Sissi, sa kanyang pagtuklas sa "Top 10 Weirdest Animals in the Philippines at alamin kung may anong katangian ang bagay na "Pilipino".

1, Purple Crabs. Noong isang taon, sa Palawan, natuklasan ng mga biologist ang apat uri ng nagtatanging talangka na may biyoletang shell at pulang claw. Mula 33 mm by 25mm hanggang 53 mm by 42 mm, kaunti lang ang alam ng mga biologist sa ganitong uri ng mga talangka. Pero, ayon sa kanila, natural lamang sa talangka na i-discriminate ang kulay kapag naghahanap ng mates. Ito ay para mapatingkad ang kulay ng kanilang mga kauri.

2, Flying Dragons- Kumpara sa mga katakatang fire-emitting monster, napakaliit at napakaligtas nitong flying dragons o Draco Lizards (Draco Volans). Kumakain sila ng maliliit na insekto at ginagamit ang mahahabang tadyang bilang pakpak sa paglipad. Ayon sa alamat na lokal, nakalalason ang fly dragon pero, salamat din dito, ligtas sila sa kamay ng mga tao.

3, Stripe-faced Flying Fox. Noong unang marinig ni explorer Jacob Esselstyn ang paglalarawan ng mga residente sa barangay Batong Buhay ng Sablayan tungkol sa Stripe-faced Flying Fox o Mindanao stripe-faced fruit bat, hindi siya makapaniwala hanggang, one day, nadakip ng groupo niya ang isang buhay na flying fox. Natuklasan ng biology circle ang bagong uri ng hayop na ito na matatagpuan sa Mindanao lamang.

4, Palawan Bearded Pig. Napakainsteresting ng hayop na ito. Laging namumuhay nang nag-iisa ang mga lalaki samantalang pinipilit naman ng mga babae na bumuo ng isang komunidad at magkakasamang tupdin ang mga tungkulin na tulad ng pagtatanggol sa teritoryo at pag-iingat sa mga anak. Tulad ng flying fox, sa Pilipinas lamang matatagpuan ang nasabing baboy, partikular na sa isla ng Calamian, Balabac, and Palawan.

5, Sea Pen. Bagama"t pinangalanang sea pen, puwedeng makita ang naturang soft coral sa ayos ng umbrella at golf club. Puwedeng lumaki at umabot sa 3 metro ang sea pen at naninirahan sa lahat ng sulok ng tubig sa Verde Islands, kahit na sa mud, sand o solid rock, kahit sa dilim na hindi kayang tagusin ng sinag ng araw.

6, Sea Pancake. Noong unang makita ng mga biologist ang bottom-dwelling sea creature na ito sa Verde Island Passage ng Pilipinas, naalala nila iyong masarap na home-made na pancake na may cheese at chocolate sa ibabaw. Pero, magaganda ang apetite ng sea pancake. Kinakain nila ang halos lahat ng hayop mula barnacles, sea anemones, sponges, hydroids, at ibang sea pancakes.

7,Terrible Claw Lobster Terrible Claw Lobster. Bagama't pinangalanang Terrible Claw Lobster, umaabot sa 10 cm lamang ang little creature na ito. Mayroon siyang isang mahabang claw na halos kasinlaki ng kanyang katawan at may napakatalas na talim na ginagamit, pangunahin na, para humuli ng mga prey.

8, Cantor's Giant Soft-shelled Turtle. Nagtatago sa buhanginan ng Pilipinas at iba pang bansang Asyano, puwedeng lumaki hanggang 6 feet ang Cantor's Giant Soft-shelled Turtle, na ang pangalan ay isinunod sa isang Danish zoologist. Pambihirang makita ang mga ito at ang pinakahuling ulat ng pagkakahuli rito ay noong taong 2001. Ninakaw ang isa nito ng isang fisherman sa Addalam River, Cabarroguis, Quirino, Isabela.

9, "Inflatable" Shark- o higit na kilala sa tawag na bubble sharks. Kaya nitong bombahin ang katawan sa pamamagitan ng water pump sa tiyan nito. Tapos, puwedeng mabilis na papintugin ang katawan para takutin ang mga predators. Parang mga globefish.

10, Philippine tube-nosed bats- Sa rainforest ng Sibuyan, Negros, at Cebu, naninirahan ang monster na ito. Bagama't wild figs at insects lamang ang kinakain nito, ang Philippine tube-nosed bat ay itinuturing na reincarnation ng vampire na sumisipsip ng human blood dahil sa distinct at alien-like na mukha nito. At dahil mas gustong dumapo sa mga puno sa halip ng kuweba, nababawasan ang bilang nito kasunod ng pagkawala ng rainforest.

May Kinalamang Babasahin
popchina
v Pop China Ika-32 2013 2013-09-03 15:32:23
v Pop China Ika-31 2013 2013-08-26 17:10:25
v Pop China Ika-30 2013 2013-08-20 17:49:20
v Pop China Ika-29 2013 2013-08-12 17:32:33
v Pop China Ika-28 2013 2013-08-06 15:06:45
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>